Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yayo, grateful sa Cinemalaya dahil sa mga makabuluhang project
Yayo, grateful sa Cinemalaya dahil sa mga makabuluhang project

Yayo, grateful sa Cinemalaya dahil sa mga makabuluhang project

READ: Maricel Morales, bilib sa galing ng BeauteDerm

MARAMI ang pumupuri sa galing na ipinakita ni Yayo Aguila sa Cinemalaya entry na The Lookout na napapanood na ngayon hanggang August 12. Pero, hindi iniisip ni Yayo ito dahil ang mas mahalaga sa kanya ay makagawa ng mga makatu­turang pelikula.

“Grateful ako sa Cinema­laya, kasi rito ako nakahanap ng fulfillment in being an actor. Isa pa, ang daming pelikula kaya maraming actors ang nabibigyan ng break… pati na rin filmakers at scriptwriters,” saad ni Yayo.

READ MORE:  Pakikipagbati ni Kris kay Ai Ai, ‘di raw showbiz

Dagdag ng aktres na unang nakilala sa classic film na Bagets noong 1984, sobrang fulfilling sa kanya ang paggawa ng indie films. “Third time ko na itong The Lookout sa Cinemalaya. Second time ko iyong Kiko Boksingero, bago iyon, may short film entry ako na nanalo ng Best Direction and Special Jury Prize.

“Sobrang fulfilling sa akin ang indie… mas marami akong nagagawang kakaibang charac­ter, mas nae-explore ko ang sarili ko.”

Ano ang papel niya rito at paano niya ide-describe ang pelikula?

READ MORE:  Joey, ‘di na trip gumawa ng pelikula!

“Ako rito si Merlyn Limotog, may dalawang anak na napilitang ibenta sa sindikato hindi lang para sa pera at sa utos ng kanyang partner, kundi sa inten­siyong ilayo na lang ang mga anak sa pananakit ng kanyang kinakasama. Pinili niyang ilayo ang mga anak sa hirap ng buhay, sa pag-asang makaaahon sa hirap, sa poder at pagkalinga ng iba.

“Iyong pelikula, psycho-thriller siya! Malalim, madilim, mabigat, at masalimuot dahil sa mga nangyari at pinagdaanan ni Lester at kung ano ang naging bunga ng past niya. It is about revenge, pero maraming lessons to learn dito.”

READ MORE:  Modelong GF, habambuhay ie-escort ni Derek

Ang Gala Night ng The Lookout ay gaganapin sa August 7, 2018 – 6:00 pm sa Main Theater ng CCP. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Afi Africa at tinatampukan din nina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Ahwel Paz, Jemina Sy, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved