Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Violence against children ‘di ubra sa FB

Violence against children ‘di ubra sa FB

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Facebook Admin ang pagpopost ng mga bayolenteng video na may kaugnayan sa pagmamaltrato sa mga paslit o ginugulpi ng kanilang mga magulang o mga tagapag-alaga.

Hindi raw ito nagdudulot ng maganda sa paningin ng FB users, kadalasan kasi ay isini-share ito sa kanilang mga kaibigan na ang layunin ng nag-share ay makarating sa kinauukulan na dapat kumastigo sa mga nagmamaltrato.

***

Marahil ang interpretasyon ng FB Admin ay iba, kaya nanaig sa kanila na i-delete ito at warningan ang FB users. Paano kung ikaw mismo ay nakasaksi ng isang madugong krimen at hindi mo kilala ang salarin at naawa ka sa biktima at nagawa mong piktyuran o i-video saka mo ipinost sa FB, hindi ba nakatutulong ito para makarating sa kinauukulan?

Isang kawanggawa na maituturing ‘di po ba?

***

Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagbawal gayong dapat ay mga porno video ang mahigpit na manmanan. Mas dapat na maging aware ang lahat ng FB users dahil higit na ‘di maganda sa mga kabataang mahilig mag-FB.

Dahil sa mga ipino-post sa social media na iba’t ibang krimen, naging mulat ang mga awto­ridad sa kaganapan at minsan ay nagbibigay ng lead sa mga awtoridad at sa mga sa­ngay ng ahen­siya ka­pag nai-post sa social media.

Ang da­pat  ipagba­wal sa social media ay ‘yung mga foreigner na naghahanap ng maloloko na basta ka na lamang ia-add sa friend request at kapag binuksan mo ang profile nito ay puro retrato niya at walang mga kaibigan.

Kadalasan magpapanggap na isang engineer o opisyal sa military. Maraming babaeng OFW ang naloko ng mga gagong dayuhan. Kapag naging kaibigan mo ay uutangan ka!

***

Kaya mga kababaihan, ingat sa mga foreigner na kunwari ay mayayaman at may katungkulan. Baka kayo ay mabiktima sa kagustuhan na makapag-asawa ng foreigner!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

COMMENTS

About Amor Virata

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved