Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Si ASec. Mocha Uson abangan sa mainit na pagpapaliwanag ng Federalismo
Si ASec. Mocha Uson abangan sa mainit na pagpapaliwanag ng Federalismo

Si ASec. Mocha Uson abangan sa mainit na pagpapaliwanag ng Federalismo

READ: Kilala ni DFA Sec. Alan Cayetano si ex-PNoy dahil magkasama sila sa Senado

HUWAG namang husgahan agad si Mocha kung siya man ang itinatalaga ng Palasyo para magpaliwanag sa publiko ng Charter change patungong Federalismo.

Sabi nga, malakas ang ‘karisma’ ni Asistant Secretary Mocha Unson sa publiko, kaya bakit hindi gamitin ang ‘asset’ niyang gaya nito para maipaliwanag sa madla ang Charter change at ang Federalismo.

READ MORE:  Special lane para sa senior citizens, PWD at pregnant women hindi inirespeto ng buntis na teller sa BDO Intramuros

Huwag kalimutan na pumatok ang pagtu­turo niya ng sex education. Talagang dinumog sa social media at mukhang marami ang nag-practice.

Kung effective na lecturer si Asec. Mocha, aba malaking bagay ‘yan sa pagsusulong ng Federalismo.

Kaya huwag agad husgahan si Asec. Mocha.

Ang inyong lingkod nga mismo ay excited na mapakinggan kung paano niya ipapaliwanag ang federalismo sa publiko.

READ MORE:  Kaninong asset si Jaybee Sebastian?

Baka hindi lang paliwanag sa salita ang gawin ni Asec. Mocha, baka gamitan pa niya ‘yan ng ‘body language’ at maindak na sayaw sa entablado ganoon din sa social media.

Huwag ninyong kalimutan na bago mapasok sa gobyerno si Asec. Mocha ay isa siyang performer kaya kayang-kaya niyang gamitin ang kanyang skills sa pagkanta, pagsayaw at baka tumula pa para maipaliwanag sa publiko kung ano ang federalismo.

READ MORE:  Patay sa Tokhang bumangon!

Kaya mga suki, sabay-sabay po nating abangan ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved