Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Matagumpay na businesswoman sa Dubai na si Mary Jane Alvero nagsimula sa ibaba at nagsikap
Matagumpay na businesswoman sa Dubai na si Mary Jane Alvero nagsimula sa ibaba at nagsikap

Matagumpay na businesswoman sa Dubai na si Mary Jane Alvero nagsimula sa ibaba at nagsikap

READ: Sylvia Sanchez na-wow mali pero natawa lang sa sarili

BAGO narating ng tinatawag na­ming young Madam na si Mary Jane Alvero ang malaking tagumpay sa kan­yang karera at mga negosyong hawak sa Dubai, United Arab Emirates, na siya ang CEO ng kanyang mga kom­panya ay nagsimula muna siya sa ibaba.

Yes, naging ordinaryong empleyado lang sa isang company at palibhasa college graduate at nagkaroon ng mga koneksiyon ay naitayo ni Mary Jane Prime Certificat0ion and Inspection, Prime Training Center and GeoScience Testing Laboratory.

At malaking tulong ang training center ng batang milyonaryang madam (Alvero) para sa mga kababayan natin na hangad makapagtrabaho sa ibang bansa at umasenso.

In fairness kayang-kaya sa bulsa ang kanilang training fee. At wow, maikokompara na rin sa mga local celebrity si Madam Mary Jane dahil marami ang nagpa-follow sa kanya tuwing lumalabas siya para sa kanyang FB Live sa dinadaluhang events o training. Noong ma-interview nga siya ng kilalang TV personality sa Dubai na si Ms. Charlene tungkol sa kanyang rags-to-richest story ay marami ang nanood at humamig ng more than 10k views.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved