Friday , April 19 2024

Agenda ng Dilawan, ibinuking

READ: Nora at Lotlot, warla na naman

READ: Mocha, ‘di bagay sa isang advocacy film

TIME-OUT muna saglit sa mga tsikang showbiz.

May posibleng political scenario na nasisilip ang maraming analysts sa takbo ng mga pangyayari of late. Mukhang mauulit na naman ang kasaysayan kung succession of power ang pag-uusapan.

Sariwa pa sa alaala ng taumbayan ang pagpapatalsik noon kay President Erap Estrada.

Dawit si Erap sa illegal gambling pero depensa niya ay wala naman siyang kinukulimbat na pera mula sa kabang-yaman ng gobyerno.

Dagdag dito ang economic crisis na pahirap sa mga mamamayan dulot ng Erap administration.

Espekulasyon ng marami ay mukhang ganito ang nais ding mangyari ng mga anti-Duterte, ang ibagsak ang liderato ng Pangulo bunga ng mapagpahirap na TRAIN Law, ang salarin sa likod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi nga ba’t sa bibig na rin mismo ni Digong nagmula na wala siyang bilib kay VP Leni Robredo sakaling ito ang susunod na mamumuno ng bansa dahil “inutil” ito?

Ito raw ang agenda ng mga tinaguriang Dilawan. Uulitin umano nilang maganap ang kasaysayan na sinapit ni Erap na nagbigay-daan para maluklok si dating VP at ngayo’y House Speaker na si GMA sa puwesto.

Sa susunod na taon pa ang mid-term elections, hindi kasama rito ang pampanguluhan at pangalawang pampanguluhan. Pero ngayon pa lang ay kumikilos na ang mga gustong magpatakbo ng bansa.

Ang politika nga naman dito sa atin, oo…magulong ewan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *