Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Miyembro ng criminal group tigbak sa parak
Miyembro ng criminal group tigbak sa parak

Miyembro ng criminal group tigbak sa parak

BIÑAN CITY – Patay ang isang lalaking uma­no’y miyembro ng criminal group nang manlaban makaraan ihain sa kanya ang search warrant sa lung­sod na ito, nitong Mar­tes ng gabi.

Aktong ihahain ng mga pulis ang search warrant laban kay Rolando Bugarin nang nanlaban umano at nakipagbarilan sa mga pulis.

READ MORE:  P2-M prohibited drug nasabat sa NAIA warehouse

Ayon sa pulisya, sa Laguna nagtago si Buga­rin na isa umanong mi­yem­bro ng “Pogi Criminal Group.” May report na sangkot siya sa iba pang krimen sa Ilocos region.

READ MORE:  SC decision sa paglaya ni CGMA inilabas na

Lumalabas sa record ng pulisya na kasama si Bugarin sa drug watchlist sa lungsod na naging basehan ng paghahain ng search warrant.

Ayon kay S/Supt. Kirby John Kraft, dawit sa robbery holdup at pagtutulak ng droga ang grupong kinabi­bilangan umano ng suspek.

READ MORE:  Mag-utol timbog sa pagluray sa 15-anyos dalagita

Mayroon din uma­nong mga miyembrong gun-for-hire ang grupo.

Nakuha sa lugar ang ilang sachet ng hini­hinalang shabu at ang baril na ginamit umano ni Bugarin.

(BOY PALATINO)

COMMENTS

About Boy Palatino

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved