Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Metro Manila isinailalim sa heightened alert status
Metro Manila isinailalim sa heightened alert status

Metro Manila isinailalim sa heightened alert status

READ: Preacher arestado sa Basilan van blast

ISINAILALIM sa heightened alert status ang Metro Manila kasu­nod nang pagsabog sa Lamitan City, Basilan noong Martes.

Ayon kay NCRPO Regional Director, C/Supt. Guillermo Eleazar, hinihikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang mapapansing kahina-hinalang kilos.

“With what happened in Lamitan Basilan ‘di ba nagkaroon ng explosion doon siyempre itong Metro Manila lagi dapat tayong handa so dahil sa pangyayari na ‘yun we are upgrading our alert status para lang mas mapaghandaan natin. We dont wan’t kung ano nangyari roon ay mag­karoon ng spill over dito ­sa atin sa Metro Manila,” aniya.

READ MORE:  Asunto vs Laudes, fiance at abogado ihahain ng AFP

Wala raw bantang natatanggap ang NCRPO ngunit mas mainam na handa rin ang Metro Manila.

“Wala tayong nare-receive na imminent threat dito pero maganda na handa tayo and we are constantly coordinating with the other agencies ng ating governement sa intelligence community for monitoring kung mayroong mga threat tayo dito sa atin sa Metro Manila.”

READ MORE:  2 months extension ng Kuwait sa amnesty program samantalahin (Payo ng DFA sa OFWs)

Inatasan din niya ang lahat ng district director na mas paigtingin ang pagsasagawa ng check­points, crime preven­tion operations at anti-criminality operations.

“Kaya, I’m directing all the district directors to include all the chief of police and station com­manders na magsagawa ng intensified na crime prevention efforts, anti-criminality efforts so ‘yung ating checkpoint operations will be done on regular basis. We are also encouraging the public to be very vigilant just like dun sa incidents na nangyari sa ibang lugar, gusto natin na dito sa atin ma-maintain natin ‘yung ating peace and order,” ayon kay Eleazar

READ MORE:  Bohol 7.2 quake death toll 144, 291 nasugatan, 23 nawawala (832 aftershocks naitala)

“So nananawagan tayo sa ating mga kaba­bayan na maging mapag­matyag tayo. Kung meron kayo na nakikita na out of the ordinary, ipag­bigay-alam n’yo sa ating mga [ka]pulis[an],” dagdag niya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved