Wednesday , April 24 2024

Ate Vi positibo, makababawi ang fIlm industry kahit may TRAIN Law

READ: Sunshine, parang kapatid lang ang mga anak

SABI ng isang marketing man ng pelikula na nakaku­wen­tuhan namin, mas maraming pelikula ang bumabagsak ngayon dahil sa mga bagong economic measures ng gobyerno kagaya niyang TRAIN Law. Tumaas na naman kasi ang cost of production dahil sa raw materials, transportation at iba pang gastusin. Mababawasan namang lalo ang manonood dahil tataas na naman ang admission prices ng mga sinehan dahil sa mga bagong tax na ipinataw. Ang resulta niyan, lalong mangangamote ang film industry.

Mas magiging matindi pa iyan dahil parehong nagsabi na ang mga namumuno ng senado at ng kamara na ipapasa nila ang Train 2,” sabi pa niya sa amin.

Pero iba ang pananaw ni Congresswoman Vilma Santos.

Ang mga taga-showbiz dito sa atin, mga survivor iyan eh. Bigyan mo na ng pinaka-matinding problema, basta taga-showbiz maidaraos iyan. Kahit naman noong araw nagkaroon tayo ng mga ganyang problema, pero nag-survive ang industriya. Kasi gagawa at gagawa sila ng paraan. Hindi papayag ang mga taga-showbiz, lalo na ang mga artista na basta ganoon na lang.

“Totoo na magkakaroon iyan ng epekto sa pelikula. Pero may telebisyon naman tayo ngayon. May mga serye. Kahit paano sila rin naman ang mga taong kumikilos doon eh. Pero iyang pelikula, ano man ang sabihin ninyo, may gagawa pa rin.

“Totoong malaki ang kaibahan ngayon. Noong araw kasi, nasanay tayo na basta bumababa ang industriya, kailangan lang gumawa ng pelikula si FPJ o kaya si Mang Dolphy, makababawi na. Ngayon naiba na ang sitwasyon, pero may mga malalaking box office stars namang bago, kaya ang paniwala ko magsu-survive pa rin ang industriya no matter what, “sabi ni Ate Vi.

Sana nga ganoon ang mangyari.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *