Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Anti-criminality sa Munti: Most wanted person dakpin — Mayor Fresnedi
Anti-criminality sa Munti: Most wanted person dakpin — Mayor Fresnedi

Anti-criminality sa Munti: Most wanted person dakpin — Mayor Fresnedi

APAT lalaking kabilang sa top 10-most wanted persons sa listahan ng pulisya, ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, sa ilang araw na manhunt operation isinagawa, una nilang nadakip si Jefferson Imperial, 21, top 7; kasu­nod sina Christopher Alcantara, 18, at Jiro Reyes, 22, kapwa nasa top 8, at Edward Puno, 19, top 6.

READ MORE:  Sa bagong DILG chief: Gawa ni Mar ituloy – PNoy

Nadakip ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa Brgy. Poblacion, Brgy. Putatan, Brgy. Ala­bang at Brgy. Baya­nan, sa naturang lungsod, sa bisa ng warrant of arrest.

READ MORE:  79-anyos magsasaka inatado’t sinunog ng kapitbahay

Ang mga suspek na nakapiit sa himpilan ng pulisya, ay nahaharap sa kasong frustrated mur­der, attempted homi­cide at robbery na naka-pending sa korte ng Mun­tinlupa.

Nabatid na alinsunod ito sa utos ni Mayor Jaime Fresnedi, kay S/Supt. Gerardo Umayao, acting police chief ng Muntin­lupa, na lalo pang paig­tingin ang kampanya sa pagsugpo sa masasa­mang elemento at pagda­kip ng mga aw­toridad  sa most wanted persons na may criminal record dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas.

READ MORE:  Lola todas sa kapeng Indonesian

(MANNY ALCALA)

COMMENTS

About Manny Alcala

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved