Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Carandang tuluyang sinibak ni Duterte
Carandang tuluyang sinibak ni Duterte

Carandang tuluyang sinibak ni Duterte

SINIBAK ng Palasyo sa serbisyo si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Caran­dang dahil sa graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang desisyon ng Office of the President ay nag-ugat sa inihaing reklamo laban kay Ca­randang hinggil sa pagsisiwalat ng mga walang katotohanang impormasyon hinggil sa umano’y unexplained wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.

Sa panayam kay Carandang noong 27 Setyembre 2017, sinabi niya na hawak na niya ang bank transactions mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa inihaing reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV laban kay Duterte sa Ombuds­man.

READ MORE:  Biktima ni Nina tutulungan ng TESDA

Itinanggi ng AMLC na may inilabas silang mga dokumento kaugnay sa bank transactions ng mga Duterte taliwas sa paha­yag ni Carandang.

“He was clearly only interested to broadcast an information adverse to the President. His keeping mum about an infor­mation that was favorable to the President clearly amounted to manifest partiality,” sabi sa utos ng OP.

READ MORE:  Suspensiyon vs Purisima ipatutupad na

Bukod sa dismissal from service, iniutos din ng OP na tanggalin ang eligibility ni Carandang, ang kanyang perpetual disqualification from holding public office, at forfeiture ng kanyang retirement benefits.

READ MORE:  7 sangkot sa droga utas sa vigilante

Naniniwala si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na ang pag­ka­luklok kay Samuel Martires bilang bagong Ombudsman ay mag­da­ragdag ng ngipin sa kampanya kontra-ko­rupsiyon ng adminis­trasyong Duterte.

Malaki aniya ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kakayahan at kredibilidad  ni Martires lalo na’t rekomendado siya ng Korte Suprema.

(ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved