Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Senate employees, nasorpresa sa random drug test at P5K dagdag allowance

Senate employees, nasorpresa sa random drug test at P5K dagdag allowance

PINANGUNAHAN nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Gringo Honasan ang random drug test para sa mga senador at empleyado ng Senado kahapon. (MANNY MARCELO)

IKINAGULAT ng mga empleyado ng Senado ang isinagawang ran­dom at mandatory drug test.

Makaraan ang flag ceremony ay inianun­siyo ni Senador Tito Sotto sa mga kawani at opisyal ng Senado ang pagsasagawa ng random drug test.

Nanguna si Senador Gregorio Honasan nasa­bing isinagawang random drug testing.

Ilang empleyado ng Senado ang nabigla at ang ilan ay  pumabor sa kau­tu­san ni Sotto na pagpa­patupad ng random drug test para maging halim­bawa ang Senado sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Ngunit inihayag din ni Sotto ang karagdagang P5,000 para sa transpor­tation at grocery al­lowance na ikinatuwa ng mga kawani ng Senado.

Binigyang-diin ni Sotto, tama lamang ang karagdagang P5,000 allowance para ma­ka­sabay ang mga empleya­do sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved