Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam, itinanghal na coolest driver
Sam, itinanghal na coolest driver

Sam, itinanghal na coolest driver

MAY bagong tropeong idaragdag na naman si Sam Milby sa lagayan niya dahil nitong weekend ay nakamit niya ang Fastest Lap Celebrity Class sa Vios Cup 2018.

Binigyan din ng dalawang special award ang aktor, Petron XCS Xcitement Award at Coolest Driver at nakatunggali niya sina Troy Montero, Fabio Ide at iba pa na hindi namin nakuha ang kompletong listahan.

READ MORE:  Maine, pang-international na ang beauty, ipagpo-produce ng dubsmash musicale play

Mahilig talagang mangarera itong si Samuel na rati ay sa motocross naman at nanalo rin, pero nag lie low noong magkaroon ng aksidente at kailangan niyang ihinto dahil at that time ay may ginagawa siyang teleserye.

At dahil hilig talaga ng aktor ang karera ay napunta na sa kotse at hindi naman siya nabigo at wala ring nangyaring masama sa kanya kaya nga itinanghal na coolest driver.

READ MORE:  Sylvia, paborito ng mga taga-PMPC

Mas masarap siguro ang pakiramdam ni Sam kung may inspirasyon siya habang nangangarera, kaso waley.

Mukhang deadma muna sa aktor ang girlfriend dahil trabaho muna siya habang wala pa ang tamang babae sa buhay niya.

READ MORE:  Hiro, sunod-sunod ang dating ng blessings kahit walang teleserye

Ang isa pang ikinasasaya ni Sam ay ang nalalapit na pag-ere ng Halik, Agosto 13, na bagong teleserye nila nina Jericho Rosales, Yen Santos, at Yam Concepcion mula sa RSB unit.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved