Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ceremonial signing ng BOL sa 6 Agosto
Ceremonial signing ng BOL sa 6 Agosto

Ceremonial signing ng BOL sa 6 Agosto

NAKATAKDANG idaos sa Palasyo ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law sa darating na Lunes, 6 Agosto.

Nabatid kay Special Assistant to the Pre­sident Christopher “Bong” Go, ang iskedyul ng ceremonial signing ay isasagawa bago mag­tungo sa pilgrimage sa Mecca si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for politi­cal affairs at Bangsamoro Transition Commission (BTC) head Gahdzali Jaafar.

READ MORE:  BoC Intel chief Dellosa nagbitiw
READ MORE:  63-anyos lolo pinatay ng apo

Matatandaan, nilag­daan noong nakalipas na Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL sa Ipil, Zamboanga Sibu­gay.

Niratipikahan ng Sena­do ang BOL noong 23 Hulyo at kinabu­ka­san ang Kamara naman.

READ MORE:  6 paaralan sakop ng West Valley Fault

Nakatakdang lag­daan ni Duterte ang BOL sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong 23 Hulyo ngunit naun­syami dulot ng girian sa liderato ng Kamara.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved