Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Utol ng chairman at police chief nasakote sa Iligan City
Utol ng chairman at police chief nasakote sa Iligan City

Utol ng chairman at police chief nasakote sa Iligan City

NADAKIP sa isinaga­wang buy-bust ope­ration ang isang high-value target sa Iligan City, nitong Sabado.

Ang suspek ay kini­la­lang si Antonio Quiros Anduyan Jr., alyas Zuye.

Ang suspek ay na­da­kip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 10 sa Purok 8, Brgy. Tibanga, Iligan City, 6:30 ng gabi.

READ MORE:  Anti-Dynasty Law hindi una sa Palasyo

Ayon kay PDEA Region 10 Regional Direct­or Wilkins Villa­nueva, ang suspek ay no. 2 sa watchlist ng Iligan City.

Nakompiska sa suspek ang anim piraso ng heat-sealed trans­parent plastic sachets na may lamang 10 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang P70,000 ang halaga. Narekober din mula sa suspek ang dala­wang P1,000 bill.

READ MORE:  US sinisi ni Digong sa sigalot sa SCS

Kuwento ng mga kaa­nak ng suspek, nagulat sila nang hinalungkat ng mga taga-PDEA ang la­hat ng gamit sa bahay nila nang hindi nila alam ang dahilan.

Kagaya ng mga ka­pit­bahay nila, hindi rin daw nila alam kung ano ang nangyari sa loob dahil lahat sila ay tu­makbo sa takot.

READ MORE:  Driver binoga ng sekyu sa parking lot, kritikal

Ang suspek ay wala raw trabaho sa ngayon at kapatid siya nina Barangay Captain Ca­milo Anduyan at Police Chief Supt. Rolando Anduyan.

Sa ngayon, hawak ng PDEA Region 10 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002).

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved