Categories: Opinion

P2.277-M ang nawaldas na pondo sa ‘gallivanting’ ni Cesar ‘Buboy’ Montano

DINAIG ng sinibak, ‘este, nagbitiw na chief operating officer (COO) ng Tourism Promotions Board (TBP) na si Cesar “Buboy” Montano sa paglilimayon ng mga dati at kasalukuyang pangu­lo ng bansa, gamit ang salapi mula sa buwis ng mamamayan.

Opo! ‘Yan ang pani­bagong nabulgar sa karugtong na audit report ng Commission on Audit (COA) sa mga umalingasaw na anomalya na nagsasangkot kay Buboy sa TPB.

Matatandaan na unang bumida si Buboy sa P80 milyones na ”Buhay Carinderia” project ng TPB na kung hindi agad nabisto ng COA ay aabot pa sana sa P320-milyones ang magagahasang pondo ng taongbayan.

Sa karugtong na 2017 audit report ng COA, nakapaglimayon nang 14-beses si Buboy sa loob lamang ng 91-araw sa mga bansa sa Asia, Europe, Australia, at North America noong nakaraang taon.

Suma-total, sabi ng COA, umabot sa P2.277 milyones ang pondong nawaldas sa mga pagbiyahe ni Buboy sa ibang bansa sa loob lamang ng isang taon bilang noo’y hepe ng TPB.

Dalawa sa mga nabanggit na pagbiyahe ni Buboy sa labas ng bansa ay nagkagasta ang pamahalaan ng halagangP594,000 na ibinayad para sa pangmayamang “business class” na pasahe sa eroplano.

Ito ay maliwanag na tahasang paglabag sa existing order para sa mga nasa pamahalaan na limitahan ang pagbiyahe sa economy class lamang, lalo’t walang pahintulot mula sa pangulo, sabi ng COA.

Ang Officer-in-Charge (OIC) Deputy for International Promotions ni Buboy ay nakapag­waldas din ng halos P2 milyon para sa 16 na pagbiyahe sa mga bansa sa Asia, Europe, Australia, at North America.

Sinabi rin sa COA report na may 11 alalay pa na kasama si Buboy sa kanyang mga nabanggit na pagbiyahe.

Aba’y, tinalo pa niya ang mga head of state na nakapagbiyahe ng 14-beses sa 91-araw sa loob lamang ng isang taon.

Ultimo si dating Pang. Fidel V. Ramos na may pinakamaraming pagbiyahe noon ay naluma sa pagiging jetsetter ng ating bidang si Buboy.

Ibig sabihin, sistematiko ang pattern sa mga nabukong katiwalian sa TPB kaya’t posibleng sa plunder o pandarambong pumatak ang kaharaping kaso ni Buboy ‘pag nagkataon.

Kaya naman tama ang payo ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte kay Buboy na maghanap ng mahusay na abogadong magtatanggol sa kanya.

BAGONG
OMBUDSMAN
‘DI RAW
MAGPAPAGAMIT

SI Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na ang napiling italaga ni Pres. Digong bilang susunod na Ombudsman kapalit ni Conchita Carpio Morales.

Siyempre, hindi maiaalis na pagdudahan ang pagiging patas ni Martires sa mga kaso na kanyang daratnan at mga posibleng makasuhan sa Ombudsman.

Agad pinawi ni Martires ang pangamba ng iba na posibleng magpagamit siya sa sinomang politiko para usigin ang kalaban sa politika, aniya:

“I’m not known to have a ‘persecution complex.’ As a (judge), I only based my decisions on evidence presented before the court and not because of personalities,” he said.

Pero sabi nga, “it remains to be proven” na kailangan pang patunayan ni Martires na siya ay kabaligtaran at hindi magiging xerox copy lang ni Morales na kanyang papalitan sa Ombudsman.

Sa panahon ni Morales ay walang transparency at sila-sila lang sa Ombudsman ang nagkakaalaman sa estado ng mga kaso na sadyang itinatago sa kaalaman ng publiko.

Ilan sa mga daratnang kaso ni Martires ang plunder case sa mahigit P700-M “ghost employees scam” laban kay dating Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mahigit anim na taon na ang nakararaan ay wala pang linaw hanggang ngayon.

Ang anomalous joint venture agreement (JVA) at bentahan na niladaan sa pagitan ng IBC-13 at kompanya ni Reghis Romero II na nakapag­tatakang nananahimik hanggang ngayon sa Ombudsman.

Tiyak na aabangan din ng marami kung ano ang mangyayari sa mga kasong nagsasangkot sa ilang opisyal ng kasalukuyang administrasyon, tulad sa Department of Tourism (DOT), Presidential Communications Operations Office (PCOO) at iba pa.

Sabi nga, “action speaks louder!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS
Percy Lapid

Share
Published by
Percy Lapid

Recent Posts

COP sa Bulacan tiklo sa kotong

INIHAHANDA ng mga awtoridad ang isasam­pang kaso laban sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan na inaresto dahil sa pangongotong sa…

4 hours ago

Bagyong Paeng pumasok na sa PAR

PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philip­pine Area of Responsi­bility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation…

4 hours ago

Med rep pinatay sa saksak (Nobyo kausap sa mobile phone)

CAINTA, Rizal – PATAY ang isang lady medical represen­tantive sa kaniyang bahay sa bayang ito sa sampung beses na saksak…

4 hours ago

3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey…

4 hours ago

Communist insurgency seryosong tapusin ni Duterte

PABOR ang Palasyo sa panukalang  magtatag ng isang task force na may layuning tuldukan ang halos kalahating siglong communist insurgency…

4 hours ago

Serbisyong Lim na “from womb to tomb” paiigtingin

HIGIT na aktibong kam­pan­ya laban sa ile­gal na droga at pag­babalik sa mas malawak na libreng ‘from womb to tomb’…

4 hours ago