Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Loyalists’ ni Alvarez sisibakin
‘Loyalists’ ni Alvarez sisibakin

‘Loyalists’ ni Alvarez sisibakin

MAGKAKAROON ng malawakang balasahan sa “chairmanship” ng mga komite sa Kamara simula ngayon (Lunes), ayon kay Deputy Speaker Rolando Anda­ya.

Ayon kay Andaya, sisimulan ang pagbala­sa sa puwesto ng dating majority lider na si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fa­riñas. Malib­an sa pu­westo ni Fariñas, apat pa, umanong, mga pi­nu­mo ng komite ang papalitan ngayon.

“At kung sino ang mapipili, ‘yon na ang ino-nominate pagdating sa Lunes,” ani Andaya sa panayam.

READ MORE:  Pabahay at trabaho naman — Lim (Kalusugan at edukasyon ‘di na problema)

Ani Andaya, papali­tan din ang House Secre­tary-General na si Cesar Strait Pareja at House sergeant-at-arms (Ret.) Lt. Gen. Roland Detabali.

“Siguro kailangan na po [na magkaroon ng palitan] dahil nagkaroon na tayo ng bagong pinuno, si Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo para mai­pag­patuloy na [ang trabaho], kumbaga smooth sailing na, kailangan nang palitan or magkaroon na ng bagong opisyal. Simulan na natin siguro doon sa secretary general at sgt-at-arms. Iyon po ‘yong mga ibini­gay sa akin na puwesto na papalitan. Malamang po kasama na din po d’yan ang majority lead­er,” pahayag ni Andaya.

READ MORE:  Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

Dalawa umano ang pinagpipilian na pumalit kay Fariñas – si Andaya at si Rep. Fredenil Castro ng Capiz, ang interim majority leader.

READ MORE:  Sarangani ‘wag isama sa Bangsamoro – Pacman

Ang mga loyalista, umano, ni Alvarez ang unang sisibakin kagaya ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ang chairman ng  House committee on justice at si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang pinuno ng House com­mittee on good govern­m­ent and public accounta­bility, na nagpakulong sa mga tauhan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved