Categories: Opinion

Baha, sagot ni Mayor o ni Digong?

ILANG araw mula nang tumila ang ulan dala ng bagyong Josie, napansin natin na apaw pa rin ang baha sa ilang bahagi ng Luzon. Hindi lang ito baha na lampas sakong kundi lampas tuhod o lampas balakang.

Normal na para sa mga taga-Metro Manila ang lumusong sa baha. Prehuwisyo ito para sa mga pumapasok sa trabaho at sa paaralan pero ginhawa naman ang dala para sa iilan. Pag­kakataon para makapag-swimming sa Lagusnilad. May barya ring naghihintay para sa mga batang nagtatawid ng ‘pasahero’ sa kanilang kariton.

Ang nakaaalarma, hindi na lang problema ng Metro Manila ang baha sa panahon ngayon. Halos lahat ng siyudad at mabababang kabayanan sa buong bansa ay lumulubog na rin sa baha. Wala nang ligtas, mayaman ka man o mahirap.

Dahil sa bahang dulot ng Habagat na pinalala ng mga bagyong Henry, Inday at Josie, ilang probinsiya at munisipyo ang nagdeklara ng state of calamity. Kabilang dito ang buong probinsiya ng Cavite; at Dagupan City, Sta. Barbara, Bugallon, Mangatarem at Calasiao sa probinsiya ng Pangasinan.

Sa Bataan, umabot sa walong talampakan o lam­pas tao ang baha sa Balanga City. Lumubog din sa tubig ang 34 bara­ngay sa munisi­palidad ng Dina­lupihan, Hermosa, Orani, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Morong at Balanga. Naka­amba rin magde­klara ng state of calamity sa ilang mababang lugar sa Nueva Ecija, Bulacan at Pampanga.

Sa pagbuhos ng ulan, parang lahat ay nabigla sa biglaang pagtaas ng baha. Nakapagtataka na tila kulang pa rin ang preparasyon dito gayong alam nating lahat na mahigit 20 bagyo ang dumaraan sa bansa taon-taon. Alam din natin kung ano ang dala ng bagyo. Baha.

Sa harap ng ganitong sitwasyon, hindi natin maiwasang magtanong. Wala na ba tayong magawang paraan para hanapan ng solusyon ang problemang ito? Kanino bang responsibilidad ito: kay Mayor o kay Digong?

Ilang Pangulo na ang nagdaan. Milyon-milyong piso na rin ang nagastos para sa flood control projects. Pero sa halip mabawasan, tila dumarami pa ang lugar na sinasalanta ng baha. Biruan na nga na umihi lang ang kabayo, baha na ang kasunod.

“Malakanyang nga, e, hindi kaya, kami pa kaya?” Ito naman marahil ang depensa ni Mayor at mga kasama niya sa konseho. “Hindi kaya ng badyet namin, anila. Trapik nga lang at basura, masakit na ulo namin.”

Wala na tayong panahon para magturuan. Panahon na siguro para seryosohin ng mga namu­muno sa atin ang mga problemang dulot ng bagyo at madalas na pag-ulan. Hindi naman mahirap na upuan nila ito at sama-samang hanapan ng solusyon.

Malaki ang maitutulong kung maiimbitahan ang mga eksperto sa pagtitipong ito. Wala namang monopolyo ng katalinuhan ang mga nasa gobyerno. Mas madalas pa nga, simple lamang ang solusyon sa problemang ginagawang komplikado ng gobyerno.

Naniniwala tayo na kayang hinanapan ng solusyon ang lahat ng problema kung sama-sama. Sabi nga nila: “Baha ka lang, Pinoy kami!”

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

COMMENTS
Ruben III Manahan

Share
Published by
Ruben III Manahan

Recent Posts

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

1 hour ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

1 hour ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

1 hour ago

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino.…

2 hours ago

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya…

2 hours ago

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng…

4 hours ago