Thursday , April 25 2024
blind item woman

Perang itinabi ni Aktres sa banko, ‘di makuha-kuha

READ: Male broadcaster, hahabulin at sasambahin dahil sa itinatagong asset

NAGKAKAPROBLEMA ang isang maysakit na aktres dahil nahihirapan siya umanong i-withdraw ang kanyang pera sa banko kahit pautay-utay.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, hindi na nga naman aktibo ‘yung aktres kaya napipilitan siyang galawin ‘yung pera niya sa banko. Although, mayroon naman siyang pinagkukunan ng panggastos sa araw-araw, hindi naman sasapat ‘yon.”

Nagtataka rin ang aming source na may ganoon daw palang banko na sobrang higpit pagdating sa withdrawal. “Ang alam ko, kahit mayroon nang authorized representative ‘yung aktres na siyang inatasan niyang mag-withdraw, eh, ayaw pa rin i-honor ng branch manager ng banko. Ang gusto, eh, mismong ‘yung aktres na siyang depositor ang personal na magsasadya sa banko. Eh, paano nga kung maysakit ‘yung aktres?”

Napabuntong-hininga na lang tuloy ang aming source, “Hay, naturingang pera mo na, hindi mo pa ma-withdraw.”

Da who ang aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Mahalia Fuentebella.

(Ronnie Carrasco III)

 

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *