Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bilisan ang telco improvement — Pimentel
Bilisan ang telco improvement — Pimentel

Bilisan ang telco improvement — Pimentel

NGAYONG matigas na idine­klara ng Pangulo sa kanyang SONA na prayoridad ng pama­halaan ang pagpapaganda sa serbisyo ng mga telcom, dapat namang kumilos na ang mga pangunahing ahensiya at bilisan ang paggawa ng mga alituntunin para sa pagpasok ng pangatlong telco player.”

Ito ang idiniin ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, na chair ng Trade, Commerce, and Entrepreneurship Committee sa Senado, matapos banggitin sa State of the Nation Address nitong 23 Hulyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling matibay ang pagnanais ng administrasyon nito upang matiyak na “reliable, inexpen­sive, and secure” ang tele­com­munication services sa bansa.

Nito lamang nakaraang Hunyo, binatikos ni Pimentel ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang multi-agency Oversight Committee for the Entry of a New Major Player in the Public Telecom­munications Mar­ket dahil sa maku­pad nilang pagkilos sa na­paka­tagal nang hinihintay na alitun­tunin para sa pag­tatalaga ng radio frequencies.

READ MORE:  1,000 pamilya sa Region 2 inilikas (Dahil sa baha)

Kinakailangan ang nasabing mga frequency para sa pagpasok ng ba­gong telecom­mu­nication com­pany sa domestic telco market.

Iginiit din ni  Pimentel na wala pang kongkreto at positibong mga hakbang ng mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno simula nang ginawa niya ang pagba­tikos noong nakaraang buwan.

“Isang malakas na wake-up call ang ginawang mensahe ng Pangulo sa kanyang SONA. O dapat na lang bang ituring ng mga ahensiya na para itong dropped call o lost text mes­sages na dinaranas ng mga telco consumer araw-araw? Sasabi­hin ba ng DICT at ng oversight committee na Message Not Sent Mr. President?” giit ng senador.

READ MORE:  Bahay ng tabloid reporter niratrat

“Kasing bagsik ang tele­communications bilang economic driver na kagaya ng pisikal na impraestruktura. Kasing halaga ito ng mahusay na polisiyang pang-ekonomiya. Batid ito ng Pangulo, kaya iginiit niya ang pangangailangan ng isang masiglang telecom industry, na may diin sa efficiency at low cost,” diin ni Pimentel.

Ipinakikita ng mga estadistika ng pamahalaan na may tina­tantiyang 73 million cellphone users ngayon sa bansa at inaasahang lolobo pa ito nang panibagong 3 milyon pagsapit ng 2020.

Naglalaan ang mga Filipino araw-araw ng 3.2 oras para mag-online gamit ang cellphones at 5.2 oras para sa iba pang mobile devices at desktop PCs.

READ MORE:  P195-M shabu kompiskado, 2 Taiwanese arestado

Ngunit kahit malawakan na ang paggamit ng mobile devices, napag-iiwanan pa rin ang Filipinas ng ating mga pangu­nahing ASEAN neighbors na Singapore, Thailand, Malaysia, Indonesia at Cambodia kung pagbabasehan ang Internet at 4G LTE speeds habang kabilang naman tayo sa mahal maningil sa rehiyon.

Isinisisi ng mga taga­kon­sumo at eksperto ang mabagal at mahal na mobile service sa umiiral na telco duopoly sa ban­sa.

“Kailangan natin nang mas mabilis at mas murang telco service at kailangan natin ito ora mismo. Kapag ang Pangulo na ang nagsalita, ito na ang oras para kumilos nang mabilis,” dagdag ni Pimentel.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved