Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Girian sa Minorya lalong umiinit

Girian sa Minorya lalong umiinit

MAINIT na pag-aawayan ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ng mga mi­yembro ng Liberal Party at ng Magnificent Seven (ang kasaluku­yang tunay na minority) ang kali­punan ng House Minority.

Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, ang kasalukuyang minority leader, hindi siya aalis sa puwesto niya.

Pero sabi nina Albay Rep. Edcel Lagman at Marikina Rep. Miro Quim­bo, walang basehan si Suarez para manatiling minority leader kasi ibinoto niya si Arroyo.

READ MORE:  Honrado ng MIAA naghain ng indefinite leave

Base sa House Rules ng Kamara, kung sino ang bomoto sa speaker ay magiging miyembro ng majority at kung sino ang hindi bomoto o nag-abstain, ay magiging bahagi ng minority.

“Si Danny Suarez at ang kanyang grupo ang nagpatalsik sa sarili nila sa minority mula nang ibinoto nila si GMA,” ani Lagman sa isang press conference matapos magpulong ang grupo ng LP sa opisina ni Quimbo.

Pahayag ni Lagman, napagkasunduan na ng minority na si Quimbo ang lider ng minorya.

READ MORE:  Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

Dagdag ni Quimbo, ang katunayan, isa sa mga unang nakapirma si Suarez sa manifesto para suportahan si Arroyo.

Mayroon aniya silang sulat sa speaker na nabuo na sila bilang minority.

“Nakahanda na ang minority para makapag­trabaho kasama ang majority,” ani Quimbo na nagsabi na bibitiw na siya bilang deputy speaker.

Kasama sa press conference ng LP kaha­pon sina Cavite Rep. Francis Gerald Abaya, Caloocan Rep. Egay Erice, Dinagat Rep. Kaka Bag-ao, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Quezon City Rep. Bolet Banal, Albay Rep. Edcel Lagman, Marikina Rep. Miro Quimbo, Quezon City Rep. Kit Belmonte, Rep. Josephine Sato ng Occidental Mindoro, Rep. Jocelyn Sy Limkaichong ng Negros Occidental at Rep. Gabriel Bordado ng Camarines Sur.

READ MORE:  BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino

Ani Quimbo, bukas sila sa pagsali ng ibang mambabatas sa grupo ng minorya.

ni Gerry Baldo

 

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved