Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Arroyo bilang PM?: Think twice — Ping Lacson

Arroyo bilang PM?: Think twice — Ping Lacson

NAGBABALA si Sen. Panfilo Lacson sa mga nagpapalutang na ang pag­kakahalal kay Cong. Gloria Maca­pagal Arroyo ay bilang paghahanda sa pinaplano niyang maging Prime Minister sa federal form of govern­ment.

Ayon kay Lacson, dapat mag-isip-isip muna ang kaalyado ni Arroyo sa kanilang mga plano dahil nagka­sundo na uma­no ang mayorya at minorya ng Senado na protektahan ang kani­­lang tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon.

Giit ng senador, ma­na­natiling nasa kanilang kamay ang kapang­yarihan at karapatan na amyendahan o baguhin ang Konstitusyon sa bansa.

Sinabi ni Lacson, ang nangyaring kudeta sa Kamara ay “awkward, ugly, low and disgrace­ful” dahil umabot ito sa puntong itinago ang “mace” na sumisimbolo sa awtoridad ng Maba­bang Kapulungan.

Sa huli, iginiit ni Lac­son na ang nangyaring ku­deta  ay pagpapatunay na hindi magandang itu­loy ang planong parlia­mentary form of govern­ment na idinadaan sa palakasan ang pagpili sa mga mamu­muno sa ban­sa.

ni CYNTHIA MARTIN

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved