Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam, nanggigil sa lips ni Yam; sinipsip naman ang labi ni Yen
Sam, nanggigil sa lips ni Yam; sinipsip naman ang labi ni Yen

Sam, nanggigil sa lips ni Yam; sinipsip naman ang labi ni Yen

POSIBLE bang maging daan ang ‘halik’ para magkasundo ang dalawang taong nagma­mahalan? Ito ang bungad na tanong sa apat na bida ng seryeng Halik na sina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby na mapapanood na sa Agosto 13, Lunes mula sa RSB Unit.

Pero naunang sumagot ang business unit head ng Halik, “puwede po ang halik ay maging simula ng infidelity o pagkasira ng isang marriage. Kiss can be anything; it is a symbol of union, a symbol of disintegration. Maraming simula po sa maraming bagay at puwedeng maganda at hindi, depende na lang po sa tao at sa paninindigan niya.”

Sinundan ni Echo ng, “puwede po talagang ihantulad sa title ng show namin. Let me begin with halik, kasi ang halik po ay usually it’s a product of desire, of an intention, fulfilling. So ‘yung show po namin is not about halik. ‘Yung show po namin ang tina-tackle ay bakit ka nanghalik? Ang tanong, anong gagawin ng isang lalaki kapag nabuking niyang may ibang kahalikan ‘yung asawa o karelasyon niya?

Aminado ang aktor na noong kabataan niya ay nasubukan niyang mag-cheat pero naayos na at nagkapatawaran na sila na ayaw namang banggitin kung sino sa ex-girlfriends niya ang kinaliwa niya.

READ MORE:  Galing ng Pinay singer, nadiskubre ng isang foreign artist

Si Yen naman ay hindi maka-relate dahil, “never naman po kasi akong nag-cheat at never din naman po akong pinagtaksilan. Siguro ang masakit na ginawa sa akin ay ‘yung naghiwalay kami pero may kapalit na kaagad. Pero alam kong hindi nagsabay, kaya nahihirapan din po akong humugot doon sa karakter kasi hindi ko po napagdaanan ‘yung ganoon. So, kailangan ko po talagang aralin at kumausap ng mga taong napagdaanan ‘yun para magawa ‘yung karakter.”

Ayon naman kay Yam, “never pa akong nag-cheat pero may nag-cheat na sa akin, first boyfriend ko, pero matagal na ‘yun, mga bata pa kami. Noong nahuli ko, ayaw ko na, that’s it. Kasi ‘yun ang number one rule ko once na nag-cheat ka sa akin it’s over wala nang usap-usap.

“Ako rin noong bata ako, hindi ko masasabing nagtaksil siya kasi after high school graduation nagpunta ako rito sa Pilipinas para mag- audition for modelling, 2002 ito. Pero na-miss ko siya (ex gf) kaya bumalik ako sa States para sa kanya pero pagdating ko sabi niya, ‘I have feelings with somebody else, I’m in love with somebody else so, ganoon. Seven months kaming break tapos naging kami ulit,” kuwento naman ni Sam.

READ MORE:  Kim, aminadong nailang kay Gerald nang unang makita

Dagdag pa ni Sam sa tanong kung gaano siya ka-sexy sa Halik, “This is the sexiest role na nagawa ko, pinakamabait na asawa ang karakter ko rito, marami akong eksena na topless. May isang eksena na very passionate ‘yung scene, mapusok talaga.”

Ayon kay Yen, very memorable ang kissing scene nila ni Sam, “ito nga kasi po ‘yung pinaka-sexy role na nagawa ko kaya ‘yung mga eksena, sobrang mapusok din kung paano ginawa, pero maalaga rin naman si Sam at hindi naman niya hinayaang hindi na ako komportable. Ngayon ko lang naranasan ‘yung ganoong halik na sobrang totoo na kulang na lang kainin na niya ‘yung buong lips ko kasi kailangan sa eksena.”

Anyway, ang sentro ng kuwento ng Halik ay sa apat na nagkaroon ng relasyon sa isa’t isa.

Sabi na ni Yam, “nagkonek-konek na hindi ko alam na asawa pala ni Sam si Yen na childhood sweethearts sila at nagkaroon kami ng affair ni Sam, pero hindi ko muna puwedeng sabihin kasi ‘yun ang conflict. At saka ang maganda, dalawang perception kasi babae at lalaki at advantage rin ‘yung mga direktor namin, babae at lalaki rin.”

Sa tanong namin kung sino ang mas magaling humalik kina Echo at Sam, “ha, ha, ha grabe naman ang tanong. Depende sa eksena, madadala ka lang sa eksena.”

Marubdob ang kissing scene nila ni Sam, paano nila inalalayan ang isa’t isa?

READ MORE:  Ai Ai at Cherry Pie, titindi ang kompetisyon

“We both alalay sa isa’t isa, parang pantay naman at ‘yung direktor namin ang tumulong sa amin,” saad ni Yam.

Mas grabe humalik si Sam, “gigil kasi siya, ha, ha, ha. Pero I think nasa character ‘yun, nilabanan ko na rin kasi kailangan sa eksena. Ang hirap dayain kasi, so ayun.”

At bilang pampakilig, sino ang gustong makahalikan pa ni Yam o masasabing dream niyang leading man in the future?

“Si Coco Martin, sayang nga, eh, hindi natuloy noong sa ‘Ang Probinsyano,’” tumawang sabi ng dalaga.

Bakit hindi mo pinush noon kay Coco? “Hala, nakakahiya naman, baka ayaw naman.”

Samantala, mapapanood na ang Halik sa Agosto 13, Lunes mula sa RSB Unit at ang ibang mga kasama ay sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane de Leon, at Gab Lagman mula naman sa direksiyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved