Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Willie, dinalaw si Joshua, inilibot pa sakay ng Ferrari
Willie, dinalaw si Joshua, inilibot pa sakay ng Ferrari

Willie, dinalaw si Joshua, inilibot pa sakay ng Ferrari

HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay dumalaw si Willie Revillame kay Kuya Joshua Aquino sa bahay nila dahil nabalitaan ng TV host na may sakit ang anak ng kaibigan niyang si Kris Aquino na halos kapitbahay din niya sa eksklusibong subdibisyon sa Quezon City.

READ MORE:  Indie movie with Derek, ‘di tuloy

Nitong Sabado lang nakauwi ng bahay nila si Josh simula noong na-admit siya sa hospital kaya dumalaw na si Willie bukod pa sa naka-schedule niyang meeting kay Kris para sa isang project na hindi pa namin nakukuha ang detalye.

Base sa nakuha naming litrato ay masayang-masaya si Josh sa pagdalaw ni kuya Will niya dahil binigyan siya ng jacket at CD.  Ang nakatutuwa nang makita ng panganay ni Kris ang Wowowin host ay yumakap at sabay kumanta ng mga kanta nito.

READ MORE:  Taba, bilbil, at haggard look ni Aga nawala na dahil sa work out

Samantala, bago si Willie ay naunang dumalaw na rin ang ate Erich Gonzales ni Josh noong Huwebes.

READ MORE:  Meet Me In St. Gallen, mala-Kita Kita ang istorya

As of this writing ay planong i-drive ni Willie si kuya Josh sa kanyang Ferrarri car at sana ay maganda ang panahon para mas lalong mag-enjoy ang panganay na anak ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved