Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Willie, bumili na ng bus para sa 2019 election
Willie, bumili na ng bus para sa 2019 election

Willie, bumili na ng bus para sa 2019 election

ANG director/actor na si Dinky Doo ang magiging campaign manager ni Willie Revillame sa sandaling magdesisyong tumakbo ito sa pagka- mayor ng Quezon City o senador.

Kuwento ni Direk Dinky sa storycon ng pelikulang, DAD, I Hate Drugs”Actually, hindi pa campaign manager. Siyempre, kung talagang tatakbo bakit hindi maging campaign manager kung gusto ni Willie.

“Actually, ikina-campaign ko na rin siya sa Marawi.

“Naniniwala kasi ako sa kanya na kailangan niyang tumakbo kasi marami na siyang pera. Kasi hindi na siya mangungurakot ‘di ba?

“At saka may basbas siya ni Presidente Rodrigo Duterte na talagang sabi nga eh, ‘di ba ‘ito ang dapat na tumakbong senador.’”

Ilang percentage yung chance na tatakbo talaga si Willie?

READ MORE:  Erwin Tulfo, umalis na sa TV5
READ MORE:  Joey, aminadong ‘di inaasahang papatok ang Kalye Serye

“I think  75% sa pagka-senador ba.”

As early as now ay, umiikot na sila. ”’Yung ‘Wowowin’ basketball ng mga artista  na kasama siya.

“Bumili na nga siya ng bus eh, libre to walang bayad. Ito ‘yung anti-drug campaign kasi niya.

“Ito ang advocacy niya. Mamigay ng jacket, mamigay ng pera, committed na siya roon kahit wala sa studio lalabas siya.

“Ito ‘yung taong (Willie) hindi pa tumatakbo pero namimigay na eh. Hindi siya humihinto sa pamimigay niya ayan ang maganda sa kanya, siya at saka si President Duterte pareho ang ugali nila.

“Pero siyempre siya talaga ang magdedesisyon (kung tatakbo).  Abangan na lang natin next year pa naman ang eleksiyon.”

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved