Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pekeng army/NPA inaresto sa SONA
Pekeng army/NPA inaresto sa SONA

Pekeng army/NPA inaresto sa SONA

INARESTO ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District ang isang lalaking nakasuot ng unipor­me ng militar at nagpakilala bilang miyembro ng New Peoples Army habang gumagala sa lugar malapit sa eryang pinagdarausan ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duter­te sa Batasan Pambansa complex kahapon.

Sa report ni QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang nadakip ay kinilalang si Daniel Ronquillo Magtira, 57, residente sa New Antipolo St., Brgy. 213, Zone 10, Tondo, Maynila.

READ MORE:  Palaboy 3 beses nasagasaan, todas

Ayon kina PO1 Jonnel Ammasi, PO2 Jayson Balansi, at PO1 Aldrich Sal­masan, pawang nakatalaga sa QCPD Tactical Mobile Unit, dakong 9:00 am, nama­taan nila si Magtira habang nakasuot ng uniporme ng Philippine Army at naka-backpack na may nakasulat na CPP-NPA, at palakad-lakad sa kanto ng Common­wealth Ave. at Zurzua­reggui St., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Bunsod nito, sinita nila si Magtira, at hinanapan ng identification card para patunayang isa siyang sun­dalo ngunit walang maipa­kita ang suspek. Alibi ni Mag­tira, ang kanyang kasuotan ay costume lamang niya.

READ MORE:  Tatlong suspek sa Davantes murder hawak ng NCRPO

Agad inaresto si Magtira at dinala sa Criminal Inves­tigation and Detection Unit (CIDU). Habang iniimbesti­ga­han, nagwala at hinubad ni Magtira ang kanyang suot na uniporme at pinagpupunit ang mga dokumentong inihanda para sa pagsa­sampa ng kaso laban sa kanya.

Nakompiska sa suspek ang anim na tarpaulin na may nakasulat na “Laban Peoples Power. Vote Mag­tira for Senator,” at may markang DRM1 hanggang DRM6, isang handbag na may markang DRM7, back–p­ack bag na may nakasulat na CPP-NPA at may markang DRM8, Philip­pine Army camouflage na may markang DRM9 at DRM10, camou­flage t-shirt na may mar­kang DRM 11, combat boots na may markang DRM12,  at mga retraro ni Magtira.

READ MORE:  Missing P300-M sa Bilibid raid napunta kay De Lima — Aguirre

Siya ay kinasuhan ng paglabag sa Article 179 (Illegal Use of Uniforms or Insignia), Article 151 (Resist­ance and Dis­obedience to a Person in Authority or the Agents of such Person) ng the revised Penal Code at RA 493.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved