Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / P3-M multa at kulong habambuhay sa amended Anti-Hazing Law (Republic Act No. 11053)
P3-M multa at kulong habambuhay sa amended Anti-Hazing Law (Republic Act No. 11053)

P3-M multa at kulong habambuhay sa amended Anti-Hazing Law (Republic Act No. 11053)

PARA sa mga magulang na ang mga anak ay naging biktima ng hazing, malaking bagay ang Anti-Hazing Act na nilagdaan ni Pangu­long Digong Duterte kamakailan.

Ang Anti-Hazing Act o Republic Act No. 11053 ay tahasang nag­babawal sa hazing at layunin nitong i-regulate ang iba pang porma ng initiation rites ng fraternities, sororities at iba organizations.

Inamyendahan nito ang RA 8049, na nagre-regulate lamang ng hazing at iba pang initiation rites.

READ MORE:  Pahirap sa drug test (Attn: PNP-FEO)

Matapos mapaslang si Horacio “Atio” Castillo III, ang freshman law student ng University of Santo Tomas sa hazing at initiation rites ng Aegis Juris Fraternity, trinabaho ng Kongreso ang pag-amyenda sa nasabing batas.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga mapa­patunayang lumabag at nagkasala sa Anti-Hazing Act ay mapaparusahan ng pagka­kakulong habambuhay at magmumulta ng P3 milyon.

Hindi na mabilang sa mga daliri sa kamay at paa kung ilan na ang mga namatay dahil sa hazing.

READ MORE:  Samar group sa Malacañang mag-resign na rin!

Pero kinailangan pang magbuwis ng buhay ang isang kabataang gaya ni Atio Castillo — na nagkataong apo ni Dr. Jose Rizal, na nagsabing, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” —  para maamyendahan ang isang mapurol na batas.

Mabuti na lamang at isang gaya ni Senator Ping Lacson, ang nakaisip na huwag mapunta sa wala ang kamatayan ni Atio kaya pinag­sikapan niyang maamyendahan ang batas.

READ MORE:  Maynilad makupad magtrabaho sa Sucat

Hintayin natin na matapos ang paglilitis sa mga suspek na miyembro ng Aegis Juris Fraternity, malamang sila ang unang mapapa­tawan ng parusa sa ilalim ng inamyendahang Anti-Hazing Act.

Nawa’y tuluyan nang maging deterrent ang batas na ito laban sa mga ‘berdugo.’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved