Categories: Opinion

NBI number one goverment agency pa rin!

SA lahat ng ahensiya ng gobyerno ngayon na talagang maraming accomplishment, ‘yan ay wa­lang iba kundi ang National Bureau of Inves­tigation (NBI).

Simula nang pamunun ng charismatic leader na si Atty. Dante Gierran, tumino ang dating mga paloko-lokong agent. Pati ang mga opisyal ay nereporma n’ya.

Hindi siya nadadala sa mga pressure bagkus ay panalangin ang kasama niya sa panunung­kulan.

Kung minsan nga hindi mo akalaing NBI Director siya dahil nakikihalubilo sa mahihirap at napaka-down-to-earth.

Ang dami na niyang ipina-entrap na tiwali at corrupt gov’t employees.

Ganoon din si NBI Deputy for Intel na si CPA Eric Distor, tahimik at napakasimpleng opisyal.

Walang bahid ng corruption kaya naman pinagkakatiwalaan siya ng ating butihing Pangulong Duterte.

Simula nang pamunuhanan niya ang Intel division ay walang alingasngas tayong narinig.

Kung  minsan nga ay halos ayaw magsalita sa mga press conference ng NBI.

Patuloy ang pag-ikot niya sa mga NBI regional office para sanayin ang mga tao niya.

Sana ay maipagpatuloy pa ni Deputy Eric Distor ang lifestyle check sa mga opisyal at empleyado ng mga corrupt gov’t agencies gaya ng BIR, Customs, BI, DPWH at PAGCOR.

Mabuhay ang NBI!

***

Isang ulirang ama ng MMDA si ret. General Danny Lim. Bilang MMDA chairman ay tinanggal niya ang 800 traffic enforcers dahil sa pangongotong.

Sabi niya, “Mahirap ang trabaho pero gagampanan niya ito.”

Maraming street vendor ang napatino niya na nakaharang sa kalye.

Siya ay maprinsipyong official kaya hindi nagkamali si Pangulong Digong sa pagpili sa kanya bilang MMDA Chairman.

Mabuhay ka sir Gen. Dany Lim!

***

God is good, God is great!

Gusto ko munang pasalamatan ang Panginoon Diyos sa blessings na natatanggap ko araw-araw.

Kahit ganitong may pagsubok, si Lord pa rin ang nanaig  kaya tanggapin natin ang kaloob niya.

Hindi tayo dapat sumuko sa lahat ng laban na dumarating sa buhay natin.

God is good.

Ako, inaamin ko nakalilimot din ako minsan kaya kahit anong mangyari it was God who give me my life.

Utang ko ito habang buhay.

I think God has plans for me.

Kaya sana, huwag tayong makalimot na magdasal at magpasalamat sa lahat, lahat ng blessings galing sa kanya.

I admit I made a lot of sins pero pinagsisihan ko ito.

Kahit anong gawin natin sa mundong ito dapat kasama natin ang Panginoon sa paglalakbay natin.

God thank you again, I love you so much.

Without you I’m nothing in this world.

God bless us all.

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

COMMENTS
Jimmy Salgado

Share
Published by
Jimmy Salgado

Recent Posts

Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya…

9 hours ago

Survey ng Pulse Asia para sa senatorial race same old names same old faces

HINDI na tayo nagtataka kung muling naging No. 1 sa survey si Senator Grace Poe, malakas pa rin ang magic…

9 hours ago

Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya…

9 hours ago

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

1 day ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

1 day ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

1 day ago