Categories: Opinion

Modelong opisyal

SA gitna ng santambak na intriga at kontro­bersiya na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) bunga ng katiwalian at kabalbalan ng ilang bugok nilang kasapi ay nakatutu­wang malaman na may mga opisyal pa rin na tunay na may malasakit sa organisasyon at tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin na magpatupad ng batas, kahit may kabaro siyang masasagasaan.

Halimbawa na rito ang direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar dahil tunay na masinsinan, walang patid at walang sinasanto ang kanyang kampanya laban sa mga kriminal na pulis upang manumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga alagad ng batas.

Sinalakay nila kamakailan ang mismong Muntinlupa City police headquarters at inaresto ang apat na pulis na inakusahan ng pangingikil ng pera kapalit ng pagpapalaya sa isang babae at sa pitong-taong-gulang na anak nito. Ang hepe ng drug enforcement unit ng naturang himpilan at tatlo pa nilang mga pulis ay pawang nakatakas at pinaghahanap pa hanggang sa kasalukuyan.

Hiningan nila ng P400,000 ang isang construction foreman para mapalaya ang babaing kinakasama nito at ang anak nilang paslit na kinuha nang magsagawa ang mga pulis ng anti-illegal drug operation sa Barangay Tunasan.

Hindi pa nakontento, kinulimbat pa nila ang ibang gamit ng biktima kabilang na ang alahas, LED television set, cell phones, laptop at pati pera. Nakiusap ang foreman kung puwedeng mapababa ang hinihingi at nagkasundo sila sa halagang P40,000.

Walang kaalam-alam ang mga corrupt na pulis na nagsampa ng reklamo ang lalaki sa NCRPO. Nagresulta ito sa agarang pagsibak ni Eleazar sa walong pulis na sangkot sa operasyon at pati na sa hepe ng Muntinlupa police dahil sa command responsibility. Nahaharap ang mga nahuling pulis sa kasong kidnaping, robbery at extortion.

Kung nangingikil man ang pulis ilang dekada na ang nakalilipas ay baka dahil sa tunay na maliit ang tinatanggap nilang suweldo. Pero hindi nila ito puwedeng ikatuwiran sa kasalukuyan dahil inaalagaan sila ng Pangulo at tinitiyak na ang suweldo nila ay sapat para sa kanilang pamilya.

Ayon kay Eleazar, hindi siya magpapakita ng awa sa mga pulis na gumagawa ng ilegal lalo na ang pangingikil at kidnapping. Ito ay karapat-dapat dahil ang iilang pulis na gumagawa ng kagagohan at kawalanghiyaan sa ngayon ay maituturing na tunay na bandido.

Sa kasalukuyang takbo ng mga pulis na kung ilang ulit nang nabubuko ang mga kalokohang ginagawa ng ilan ay tunay na kinakailangan ang isang opisyal na tulad ni Eleazar na walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

COMMENTS
Robert B. Roque, Jr.

Share
Published by
Robert B. Roque, Jr.

Recent Posts

11 patay, 60 missing sa Cebu landslide

UMABOT na sa 11 katao ang kom­pir­madong namatay habang 60 ang nawawala sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa…

6 hours ago

Ken, na-pressure kina Miguel at Kris; aminadong nahirapan sa bagong serye

AMINADO si Ken Chan na mas hirap siya sa papel niya bilang Boyet sa My Special Tatay kaysa papel niya…

13 hours ago

Nadine, tumulong na, na-bash pa

WALA na talagang pinatatawad ang mga basher dahil kahit ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ng mga artista ay bina-bash…

13 hours ago

Gabby, allergic pag-usapan si Sharon

NO reaction at ayaw magbigay ng komento ang mahusay na actor na si Gabby Concepcion kapag itinatanong si Sharon Cuneta.…

13 hours ago

‘Pagtakbo’ ni Dingdong, kinompirma ni Marian

SIGAW sa dyaryo, sasa­mahan ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa pagtakbo.  Kaya marami ang nag-isip na papasok na ang aktor sa…

13 hours ago

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para…

13 hours ago