Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ama, 2 anak, 1 pa sugatan: Ina patay sa landslide sa Olongapo City
Ama, 2 anak, 1 pa sugatan: Ina patay sa landslide sa Olongapo City

Ama, 2 anak, 1 pa sugatan: Ina patay sa landslide sa Olongapo City

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang nang matusok ng debris sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matabu­nan sa gumuho nilang bahay dahil sa landslide sa Olongapo City, nitong Linggo ng gabi.

Unang nasagip si Maria Veronica Rafael, 35, kasama ang kanyang mister na si Bryan, kani­lang mga anak na edad 6 at 10, at isa pa nilang kamag-anak na si Richard, 48.

READ MORE:  Ayon sa LTFRB: Driver sa fields trips dapat may sertipikasyon

Dalawang oras bago nasagip ang mag-anak dahil nahirapang alisin ang debris sa pangam­bang gumuho nang tuluyan ang pundasyon ng bahay.

READ MORE:  9 areas firearms free zone — PNP

Nang mailigtas, agad isinugod ang 35-anyos ginang sa ospital ngunit binawian siya ng buhay. Ayon sa pamilya, maaga silang nakalikas ngunit bumalik sila sa bahay nang pansa­man­talang tumila ang ulan. Hindi umano nila inaka­lang bubuhos ulit ang ulan kinagabihan.

READ MORE:  Ex-Colonel 6 bodyguards inasunto ng FBI agent

Nasa ospital pa ang mga naulila ng yumaong ginang at inoobserbahan ang kondisyon ng dala­wang bata.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved