Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte nakalimot
Duterte nakalimot

Duterte nakalimot

NAKALIMUTAN ni Pang. Duterte sa kanyang SONA, na banggitin ang mga pangako niya noong panahon ng kampanya, ayon kay Rep. Edcel Lagman ng Albay.

Nag-focus umano, si Duterte sa  reforms na gusto niya at hindi  reforms na gusto ng tao.

Ang tao, aniya, ayaw sa federalismo pero ito ang itinutulak ng presi­dente.

Ang tao, aniya, gus­tong reporma sa tayo ng presidente tungkol sa West Philippine Sea.

Gusto rin, aniya ng reporma sa ekonomiya para labanan ang kahira­pan pero ang presidente ay ginigiit ang TRAIN Law, ang sanhi ng pagtaas ng inflation sa 6.1 porsiyento.

Sa panig ni Rep. Tom Villarin, walang bago sa mga sinabi ng pangulo pero nasopresa siya sa pag-iwas sa atake sa oposisyon.

Nag-improve, aniya, ang pagbabasa ng pa­ngu­lo pero hindi malalim at walang pasyon sa katotohanan.

Ang mga pangako tungkol sa pagpapatigil sa contractualization, ibigay ang “coco levy trust fund” sa mga mag­sasaka, at iba pang isyu tungkol sa mga sector ay magandang pakinggan (lamang) sa radio at telebisyon.

(GERRY BALDO)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved