Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sofia Andres magiging kalaban ng Bagani?
Sofia Andres magiging kalaban ng Bagani?

Sofia Andres magiging kalaban ng Bagani?

LAST week sa July 17 episode ng “Bagani” ay ginulat ni Sofia Andres ang televiewers sa pagbabalik ng kanyang character bilang Mayari na nabuhay mula sa mga patay sa serye. At kung noon ay isa siya sa tagapagtang­gol ng kanilang lahi (taga-laot) ngayon ay isa na si Mayari sa kampon ni Malaya (Kristine Hermosa) na magmula nang malaman ang sinapit ng anak na si Sarimaw (Ryan Eigenmann) sa kamay ng Bagani ay lumabas na ang totoong kulay at nagha­hagsik ngayon ng kasamaan at sumumpang maghihiganti sa itinuturing na mga kalaban (Bagani).

READ MORE:  Kayo ang baliw, hindi si Claudine!

Nag-trending sa Twitter ang hashtag nitong #BAGANIPrOppose, na idineklara ng netizens ang pagkagulat nila sa pagbabalik ni Mayari. Ang inaabangan ngayon ay kung ano ang magiging reaction ng mga Baganing sina Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano), Lakam (Matteo Guidicelli), Dimakulem (Makisig Morales), Liksi (Zaijan Jaranilla) at ang kakampi ng grupo na si Babaylan ng Sinukob na si Gloria (Dimples Romana). Pagkatiwalaan kaya nila si Mayari?

READ MORE:  Anne, ‘di pa kayang ipagpalit ang career sa pag-aasawa
READ MORE:  Jose Manalo, tinanggal na nga ba sa show nila ni Uge?

Abangan ang mga susunod na tagpo sa nasabing drama-fantasy series na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved