Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Harry & Patty, ginawa para kina Ahron at Kakai
Harry & Patty, ginawa para kina Ahron at Kakai

Harry & Patty, ginawa para kina Ahron at Kakai

“WALANG ibang choice. Ginawa ang istorya para sa kanilang dalawa.” Ito ang tiniyak at iginiit ni Volta delos Santos, ang sumulat ng script ng Harry & Patty na pagbibidahan nina Ahron Villena at Kakai Bautista. Ito’y handog ng Cineko Productions na ire-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Agosto 1.

READ MORE:  Ian, niregaluhan ng painting si Jodi

Sinabi pa ni Volta na nag-iisip talaga sila ng kakaibang putahe, isang rom-com na talagang ibibigay sa mga manonood. Naniniwala silang maraming maio-offer sina Ahron at Kakai kung comedy din lang ang pag-uusapan.

“’Yung makaka-touch din sa puso ng mga manonood, ito rin ang bagay at sila lang ang makapagbibigay niyon,” muling tugon ni Volta. ”At siyempre ‘yung kilig din dahil very close talaga sila sa totoong buhay. Kaya alam natin na ‘yung kilig na hinihanap natin eh sila ang makapagbibigay niyon.”

Ang pelikula’y ukol sa kung paano mailalabas ang kagandahan ng isang tao hindi lamang sa pampisikal na anyo, kundi ang kagandang loob na siyang makapagpapasaya sa tao.

READ MORE:  ElNella at fans ni Jameson, riot sa socmed
READ MORE:  Pagtakbo ng hubo’t hubad, nasa bucket lists ni Diego

Bida rin sa pelikulang ito sina Heaven Peralejo, Mark Neuman, Carmi Martin, Bodjie Pascua, Donna Liza Salvador Cariaga, Joe Vargas, Lou Veloso, at Soliman Cruz. May special participation dito si Arci Munoz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved