Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpo-propose ng Lebanese businessman BF ni Lotlot, idinaan sa dessert
Pagpo-propose ng Lebanese businessman BF ni Lotlot, idinaan sa dessert

Pagpo-propose ng Lebanese businessman BF ni Lotlot, idinaan sa dessert

IKAKASAL na ang aktres na si Lotlot de Leon! Nag-propose kay Lotlot si Fadi El Soury (o Fred), ang Lebanese businessman na kasintahan ng aktres nitong July 15, Linggo, sa Nature Wellness Village sa Tagaytay City.

Isang pinggan na may lamang desserts na nakasulat ang mga salitang ”Marry Me” ang inilapag sa harapan ni Lotlot na ikinabigla niya.

Noon pa naman alam ni Lotlot na may plano talaga si Fadi na mag-propose sa kanya, hindi lamang niya alam kung kailan.

READ MORE:  Kuya Mar at Ate Korina, mababaw lang din ang kaligayahan

At nang sa wakas ay naganap na ito, ano ang una niyang naramdaman?

“Para akong nablangko for a while,” at tumawa si Lotlot.

“She said, ‘What is this? And then she was quiet for a while and then she started crying,” ang kuwento naman ni Fadi.

Ano naman ang unang mga salitang sinabi ni Fadi sa kanyang girlfriend?

READ MORE:  Respetadong politiko closet queen pala

“I didn’t say anything, I went down on one knee and then I told her ‘Don’t cry,’” kuwento ni Fadi.

Bakit napili ni Fadi ang July 15 para mag-propose?

“Well, it’s an opportunity and I was planning it, it’s been actually more than one month. Planning to go out-of-town.”

Umiyak si Lotlot nang nag-propose si Fadi at napaiyak na rin ang kanyang groom-to-be.

Malamang ay isang beach wedding ang maganap, at plano nila na sa December ito gawin.

READ MORE:  Jeffrey Tam, kaabang-abang sa pelikulang We Will Not Die Tonight

Limang taon at kalahati na ang kanilang relasyon, January 17 ang ika-anim na anibersaryo ng kanilang relasyon.

Bakit December sila magpapakasal?

“Because it’s holiday all around,” wika ni Fadi.

Nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang common friend. Muslim si Fadi at Katoliko si Lotlot kaya isang civil wedding ang magiging seremonya ng kanilang kasal.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved