Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jon Lucas ng Hashtag, inaming may asawa’t anak na
Jon Lucas ng Hashtag, inaming may asawa’t anak na

Jon Lucas ng Hashtag, inaming may asawa’t anak na

UMAMIN na si Jon Lucas na may asawa’t anak na siya at blessings ang pagkakaroon niya ng anak na walong buwan na ngayon.

Pagkatapos ng presscon ng pelikulang Dito Lang Ako ay hindi na tinantanan si Jon tungkol sa anak niya.

Nag-ugat ang isyu nang suspindehin ng It’s Showtime si Jon bilang isa sa miyembro ng Hashtag.

Aniya, “gusto kong magpakatotoo na totoong may anak na po ako, lalaki at siya ang pumalit sa lungkot sa pagkawala ng mama ko. Nagkaroon na po ako ng baby boy, 8 months na po.  

Kahit nasuspinde ako sa ‘Showtime’ nalilibang ako ng totoong libang, nag-e-enjoy ako ng totoong saya kasi naalagaan ko ‘yung baby ko habang lumalaki siya naibibigay ko ang responsibility ko bilang ama.” 

Naniniwala si Jon na blessing talaga ang anak dahil may mga project siya tulad nitong Dito Lang Ako na siya pa ang bida sa unang pagkakataon.

READ MORE:  Valerie, madalas nakikitang ka-date ang papang lawyer
READ MORE:  Silang mga bagong ibibigin!

Klinaro ni Jon na ikinasal muna sila ng girlfriend niya bago nabuo si baby Bryzen Christian noong 2017.

Kaya talagang kayod marino siya dahil sa pamilya niya.

Humihingi ng pang-unawa si Jon sa mga supporter niya na intindihin siya dahil sa nangyari at wala siyang pagsisisi dahil masaya siya.

Samantala, gagampanan ni Jon ang karakter na Delfin at pareho sila ni Michelle Vito as Nelia na parehong nagtatrabaho sa Blade car accessories at dito iikot ang kuwento ng love story nila.

READ MORE:  Vhong, Sweet, Rayver, Alex, Janine, at Lotlot, nagsanib-puwersa sa pananakot sa Buy Now, Die Later

Kasama rin sa pelikula sina Ms Boots Anson Roa, Akihiro Blanco, Garie Concepcion, Senpai Kazu, at Roadfill ng Moymoy Palaboy. Mapapanood ang Dito Lang Ako sa Agosto 8, 2018, idinirehe ni Roderick Lindayag produced ng Blade Entertainment.

May mall show ang buong cast sa Sta. LUcia Mall, Agosto 4, 3:00 p.m. at SM Taytay, 7:00 p.m..  Sa SM Megamall Cinema 7 naman ang red carpet premiere sa Agosto 6.

ni REGGEE BONOAN

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved