Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco, pinasok na rin ang pagiging recording artist
Coco, pinasok na rin ang pagiging recording artist

Coco, pinasok na rin ang pagiging recording artist

HINDI pa kompirmado kung talagang papasukin ni Coco Martin ang pagiging recording artist dahil kulang na kulang na ang kanyang oras sa pagiging aktor-direktor ng FPJ Ang Probinsyano. Dagdag pa ang kanyang pagiging hands-on sa script ng nasabing long running action-tereserye ng ABS-CBN.

READ MORE:  Billy Crawford, tsumugi na sa management ni Arnold Vegafria!

Ayon sa balita, nataon na kailangang kantahin ng aktor ang kantang para sa isang proyekto. Iyon ay sumasailamin sa katangian nating Pinoy na nagsasama-sama at nagkakapit-kamay para maabot ang tagumpay.

READ MORE:  Kabaitan ni Coco, puring-puri ng mga kapitbahay

Maganda ang boses ng aktor, katunayan, kumakanta ito kapag nagpo-promote ng mga project sa mga iba’t ibang mall sa bansa. Kung maisipan nitong maging recording artist, tiyak ikatutuwa ito ng kanyang mga tagasubaybay.

Abangang na lang natin ang susunod na mga palabas ng FPJ Ang Probinsyano dahil magpapasampol si Cardo ng pagkanta dahil mayroon itong eksena na haharanahin ang kanyang asawang si Alyana (Yassi Pressman).

READ MORE:  Elizabeth nagbanta kay Azenith: Idedemanda ko siya, mapanira siya

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved