Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Wanted na rape convict nasakote
Wanted na rape convict nasakote

Wanted na rape convict nasakote

NASAKOTE na ang rape con­vict na nag-viral noong Disyembre ang retrato makaraan mag-selfie habang nasa likod niya ang ilang pulis sa Laguna.

Ang suspek ay wanted dahil sa pananaksak sa ama ng kaniyang ginahasa.

Ayon sa ulat, pinaghahanap ng mga pulis si Radden Argo­mido makaraan mahatulang guilty ng korte noong 2016 sa kasong panghahalay sa isang babae sa Los Baños, Laguna, sa insidenteng naganap noong Pebrero 2013.

READ MORE:  Pacman panalo vs Floyd — US website

Nitong nakaraang Enero, pinagsasaksak ni Argomindo ang 66-anyos ama ng kaniyang hinalay.

Bago ang pananaksak, nagawa ni Argomindo na mag-selfie noong Disyembre 2017 habang nasa likod niya ang ilang pulis bagama’t wanted na siya.

Sa press briefing sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Taguig, sampal ang inabot ni Argomido nang makaharap niya ang kaniyang biktima.

READ MORE:  US police naalarma sa Sinaloa drug cartel

Nadakip si Argomido sa construction site sa Brgy. Pacita 2 sa San Pedro, Laguna, kung saan siya nagtatrabaho.

Humingi siya ng tawad sa kaniyang mga biktima at maging sa pulisya na mistulang ipina­hiya niya sa kaniyang selfie.

READ MORE:  Plaridel Budol-budol queen timbog

Ayon sa ulat, sinabi umano ni Argomido na napagtripan lang niya na kumuha ng retrato habang nasa likod niya ang mga pulis.

Ang naturang retrato ang naging ‘lead’ ng mga pulis para matukoy ang kaniyang kinaro­roonan.

Umamin din umano ang suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved