Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Pakikialam ni Isko sa Liga ng mga Barangay
Pakikialam ni Isko sa Liga ng mga Barangay

Pakikialam ni Isko sa Liga ng mga Barangay

KUNG tutuusin, hindi na dapat nakikialam pa itong si dating Vice Mayor Isko Moreno sa usapin ng politika sa Maynila. Pero ang nakabibigla, patuloy umano ang ginagawa niyang ‘pagsawsaw’ sa mga kaganapan sa Maynila lalo sa nakatakdang eleksiyon ng Liga ng mga Barangay na gaga­napin sa darating na 30 Hulyo.

Si Isko sa kasalukuyan ay undersecretary ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) for Luzon affairs na may dapat gampanan na gawain batay sa mandate, vision, mission at values ng nasabing departamento na kanyang pinaglilingkuran.

Isa sa mga tunguhin o nais matugunan ng DSWD bilang isang departamento ay makalaya sa kahirapan at kagutuman ang lahat ng Filipino, at magkaroon ng pantay o patas na oportunidad para makamit ang isang matahimik na lipunan.

READ MORE:  Supalpal si Alvarez

Kaya nga, nakapagtataka kung bakit sa halip na ibuhos ni Isko ang kanyang panahon at lakas para sa kanyang gawain at obligasyon, at higit na maisulong ang interes ng DSWD, patuloy siyang nagkukumahog na makisawsaw sa mga usapin ng Maynila.

Dapat din ipaalala kay Isko na bilang undersecretary for Luzon affairs, hindi dapat nakasentro lamang sa Maynila ang kanyang ginagawang trabaho bilang opisyal ng DSWD. Kinakailangang buong Metro Manila at karatig probinsiya na nasasakop ng Luzon ang scope ng kanyang trabaho.

Parang kandidato na tuloy itong si Isko dahil ang mga programa ng DSWD ay kalimitan sa Maynila niya ginagawa tulad ng “Kalinga Caravan” at ang pagbibigay ng educational at medical assistance gamit ang mga kabataan.

READ MORE:  Dating gabinete ni P-Noy na senatoriable bait-baitan?

At ngayon naman, kahit walang kaugnayan sa mandato ng DSWD, bakit pumapapel si Isko sa usapin ng Liga ng mga Barangay sa Maynila? Totoo bang ipinatawag ni Isko noong nakaraang linggo ang mga barangay chairman sa Manila Hotel? Bakit kaya niya ipinatawag?

At nasundan pa umano ito ng isa pang meeting, at sa Manila Hotel pa rin naganap ang pag-uusap sa ilang piling barangay chairman. At matapos ang nasabing meeting kay Isko, ang mga piling barangay chairman ay masayang nag-uwian. Bakit kaya?

READ MORE:  Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa dapat makinig kay Senator Panfilo “Ping” Lacson

Pero higit na nakababahala ngayon ang usap-usapan sa bawat barangay na mayroong ‘bilihan’ ng botong nagaganap sa Maynila, at ang mga barangay chairman ay sinusuhulan sa kung sinong mga kandidatong dapat na iboto sa Liga ng mga Barangay.

Ang bilihan daw ngayon ng boto ay umaabot sa P5,000 hanggang P15,000 para masi­guro ang panalo ng dinadala nilang kandidato sa Liga ng mga Barangay sa Maynila.  At sinasa­bing magiging barometro kung sino ang mana­na­long mayor sa 2019  sa Maynila, base sa resulta ng mananalong grupo ng kandidato ng Liga ng mga Barangay.

SIPAT
ni Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved