Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagsisi kay Gabby, ‘di pa tapos (sa ‘di natuloy na movie kay Sharon)
Pagsisi kay Gabby, ‘di pa tapos (sa ‘di natuloy na movie kay Sharon)

Pagsisi kay Gabby, ‘di pa tapos (sa ‘di natuloy na movie kay Sharon)

HINDI na matapos-tapos ang pagsisi kay Gabby Concepcion kung bakit hindi natuloy ang pelikula nila ni Sharon Cuneta. Ngayon may bago na namang dahilan daw. Umano, hindi lamang humingi si Gabby ng kapantay na billing, humingi rin siya ng kapantay na talent fee. Gusto rin niya may ka-package iyong isang serye sa telebisyon. Iyon naman ang sinasabi ng kung sinong source.

Noong makita namin iyon, ang una naming naitanong, bakit hihingi si Gabby ng ka-package na serye eh may kontrata siya sa kalabang network. Eh ‘di gugulihin niya ang kanyang sariling career.

READ MORE:  Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser

Iyong billing at talent fee, siguro nga para sa iba ay kalokohan dahil hindi naman nangyari iyan in the past. Talagang laging mas malaki ang talent fee ni Sharon kaysa kanya. Talagang laging nauuna ang pangalan ni Sharon kaysa kanya sa billing. Pero kailangan ding isipin na iba na ang sitwasyon ngayon. Si Gabby kasi nakapag-comeback na. Si Sharon hindi pa.

READ MORE:  Aktor, nasira ang career dahil kina Direk at Matinee Idol

Pero ito ang maliwanag eh, hindi ba nila naisip na baka kaya gumawa ng mga ganoong demands si Gabby ay dahil ayaw niyang gawin ang pelikulang iyon? Hindi ba nila naisip na baka ayaw niya ng inialok sa kanyang project. Baka sa tingin niya ay hindi pa tamang panahon para gawin ang kanilang team up. Baka naman naisip niyang mas mabuti kung ang gagawa niyon ay ibang producers.

READ MORE:  Pag-aaral, ‘di pa huli para kay Sarah

Maraming dahilan na puwede, iyan naman ay simple lang. Kung hindi ninyo maibibigay ang demands niya ‘di huwag ninyong gawin ang project at humanap kayo ng iba. Ganoon din naman eh, kung ayaw ng isang kompanya sa isang artista, marami rin silang alibi na magagawa kahit na may obligasyon silang igawa iyon ng projects.

Huwag na lang magsisihan.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved