Saturday , April 20 2024

Paging DOJ, DILG, NCRPO: Konsehal Jordan ng Taguig pinalaya sa ilegal na droga

LAYA na pala ang kon­sehal na kamakailan ay naaresto sa ilegal na droga, pagnanakaw at pagsusugal sa isang sikat na casino sa Parañaque City.

Si Taguig City Coun­cilor Richard Paul Tejero Jordan ay inaresto ng Parañaque PNP ban­dang 7:40 ng gabi noong July 3 habang papalabas sa Solaire Resort & Casino sa Bgy. Tambo.

Sa pagsusuri, kinompirma ng crime laboratory na ang 32 piraso ng ilegal na droga na nasabat kay Jordan ay mga kulay pink at orange na ecstasy tablets.

Natagpuan din sa paper bag at body bag na bitbit ni Jordan ang ilang kagamitan mula sa kuwarto ng hotel, ilang piraso ng casino chips na may katumbas na halagang P50,000 at positibo pa sa ilegal na droga.

Napaulat na si Jordan ay idenitine sa Paraña­que police station matapos sampahan ng kasong illegal drugs possession at theft sa Parañaque prosecutor’s office.

Nagtungo sa detention cell ng Parañaque police station ang mga miyembro ng media para makapanayam at makuhaan ng pahayag ang naarestong konsehal.

Pero ayon sa impormante, hindi pala sa detention cell ipinasok si Jordan kung ‘di sa mala­mig na opisina ng mataas na opisyal ng Parañaque city police namalagi nang ilang araw ang konsehal hanggang makalaya.

VIP treatment ba ang tawag diyan?

Hindi na natin ipinagtatakang maareglo ang kasong theft laban kay Jordan, pero ang hindi kapani-paniwala ay kung paano siya nakapag­piyansa sa possession ng 32 piraso ng ilegal na ecstasy na nasamsam sa kanya ng Parañaque city police?

Wala kayang balak ang Department of Justice (DOJ) na pagpaliwanagin ang fixcal, este, fiscal sa Parañaque prosecutor’s office na nagreko­menda at nag-apruba sa piyansa ni Jordan?

Aba’y, mukhang may dapat din ipaliwanag ang Parañaque city police kay Gen. Guillermo Eleazar, ang no non-sense na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO)!

Maipatupad kaya ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang katapat na parusa laban kay Jordan, alinsunod sa batas na nagbabawal sa sinomang empleyado at opisyal ng pamahalaan na magsugal sa casino?

‘Yan ang hindi sure dahil si Jordan ay kilalang kapartido at kaalyado sa politika ni Taguig city Mayor Lani Cayetano, maybahay ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano.

Guilty, unless proven influential?

MTPB KOTONG
ENFORCER:
“THAT IS FOR AREGLO!”

HINDI na maabot sa kanyang kasikatan si Ferdinand Borja, ang matapang na enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nangotong ng halagang P2,000 sa dayuhang motorista at kasamang babae na kanyang sinita.

Dahil sa matinding kahihiyan, nagtatago ang hindoropot na si Borja matapos maging viral sa social media ang kanyang blockbuster video na pinagpipiyestahan ng publiko sa social at main­stream media.

Maliwanag naman sa video na swak sa kasong kriminal na robbery-extortion si Borja, kahit pa sabihing siya ay sinibak na ng kanyang mga amo sa MTPB at City Hall.

Ang problema kay Borja at sa mga tulad niya ay malalakas ang loob na gumawa ng krimen, pero wala namang tapang na harapin ang gina­wang kagagagohan.

Hindi lang sa kanyang mga nabiktima at sa publiko may atraso si Borja kung ‘di pati sa sarili ni­yang pamilya na nadamay rin sa malaking kahi­hiyan.

Ang pagsisisi ay talagang nasa huli habang hindi pa ito naiimbento sa una.

1-K YEARS
PA MORE

PARA KAY
‘KAPITAN’

BINATI ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang kaarawan kamakailan si Lucio Tan.

Sang-ayon tayo sa wish ni Pres. Digong kay Lucifer, ‘este, Lucio, a.k.a. “Kapitan,” na humaba pa ang buhay niya nang 1,000-taon para naman ma-enjoy to-the-max ang naimpok na yaman mula kay dating yumaong Pang. Ferdinand Marcos.

Harinawa ay magkatotoo at magkrus ang dila ng pangulo, kahit man lang 150 years old ay abutin ni Kapitan, kesehodang uurin pa siya nang buhay.

Malay natin, pagdating ng araw maimbento kung paano madadala sa impiyerno ang kayama­nan para happy si Kapitan.

Cheers!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *