Thursday , September 27 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Palabas ng PAR sa Sabado: Tropical depression Inday lumakas
Palabas ng PAR sa Sabado: Tropical depression Inday lumakas

Palabas ng PAR sa Sabado: Tropical depression Inday lumakas

BAHAGYANG luma­kas ang tropical depres­sion Inday at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Sabado, ayon sa state weather bureau, nitong Miyerkoles.

Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, huling nama­ta­an si Inday sa 755 km east ng Basco, Batanes, habang may lakas ng hangin na aabot sa 60 kph at pagbugsong hanggang 75 kph.

READ MORE:  Dagdag-sahod ng gov’t employees sa EO ni PNoy (SSL-4 sa Kamara bigo)

Sa pagtataya ng PAGASA, kikilos ang sama ng panahon sa bilis na 25 kph.

Inaasahang palalak­a-sin ni Inday ang south­west monsoon o haba­gat, na magdudulot nang bahagya hanggang mala­kas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Val­ley, Zamba­les, at Bataan.

READ MORE:  ‘Judiciary fixer’ inilaglag ng Palasyo (Stepfather ng kontrobersiyal na apong debutante)

Habang magkaka­roon ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ang mga residenteng naninirahan sa nabanggit na mga erya ay binalaang maaaring magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kanilang lugar.

Walang itinaas na storm signal ang PAGA­SA, ngunit idiniing delikado ang paglalayag sa karagatan sa Central Luzon at eastern sea­board ng Northern Lu­zon.

READ MORE:  Honor roll ng prov’l govs inilabas ng Palasyo

Ang matinding bu­hos ng ulan dahil sa lumakas na southwest monsoon ay nagresulta sa kanselasyon ng mga klase sa mga eskuwe­lahan sa ilang mga erya noong Martes at Miyer­koles.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved