Categories: News

Apela ng QCPD sa raliyista sa SONA: Magbaon ng sariling garbage bag

UMAPELA si Quezon City Police District direct­or, C/Supt. Joselito Esquivel nitong Miyer­koles sa mga raliysita, sa anti o pro-administration, na magdala ng kanilang sariling garbage bag sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) rallies upang mapanatili ang kalinisan sa mga kalsada.

“Ang challenge ko lang sa mga rallyista, both dun sa protester and pro-administration is you bring your own garbage bag, all your garbage ilagay n’yo roon,” ayon kay Esquivel.

“We will designate a certain na point of collection at after naman nitong activity mabilis tayong mag-normalize at malinis at tulong na rin natin sa kalikasan,” dagdag niya.

Libo-libong raliyista ang inaasahang daragsa sa Commonwealth Ave­nue sa Quezon City sa isa­sa­gawang ikatlong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dara­ting na Lunes, 23 Hulyo.

Aabot sa 7,000 pulis ang itatalaga para matiyak ang seguridad sa SONA ngayong taon.

 

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

11 hours ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

11 hours ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

11 hours ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

11 hours ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

11 hours ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

11 hours ago