Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Nasa drug list: Ex-tserman itinumba ng tandem
Nasa drug list: Ex-tserman itinumba ng tandem

Nasa drug list: Ex-tserman itinumba ng tandem

KATIPUNAN, Zam­boa­nga del Norte – Nalagu­tan ng hininga ang isang dating tserman ng Brgy. Mias sa nabanggit na bayan, makaraan pagba­barilin ng riding-in-tan­dem malapit sa kaniyang bahay, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakikipag­kuwen­tohan si Omar Bayron sa mga kapitbahay sa isang tindahan nang siya ay pagbabarilin.

READ MORE:  US Embassy ipatatawag sa Duterte ouster probe

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Jinky Bay­ron, napansin nilang may mga bagong muk­hang umaaligid sa lugar na kunwari ay nagbe­benta ng kung ano-ano, ilang araw bago ang insidente.

READ MORE:  Binatilyo nalunod sa Ilog Pasig

Pinakahuli ang lalaking naka-helmet na tumigil mismo sa bahay ng biktima at doo’y tila nagte-text pa. Agad din umalis ang lalaki nang mapansin ng mga resi­dente.

Ayon sa pulisya, dati nang sumuko si Bayron dahil sa ilegal na droga at kasama sa listahan ng narco-politicians.

READ MORE:  Vice, aminadong pinagnasaan si Coco lalo na nang naghubad

“Kasama rin naming tinitingnan ngayon ang anggulong pagkaka­sangkot niya dati sa ilegal na droga,” ayon kay PO3 Noel Suliman.

Patuloy ang imbes­tiga­­syon ng mga awto­ridad sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved