Categories: News

Patuloy sa trabaho: Suporta kay Leni umarangkada sa NCR, Mindanao

SA kabila ng mga limitasyon at bala­kid, mas ganado si Vice President Leni Robredo na pagbutihin ang kani­yang trabaho, lalo’t nakikitaan ng mas malaking suporta ang kaniyang programa para sa mahihirap na Filipino.

Ayon kay Robredo, malaking bagay ang resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, na nagtala siya ng 62 percent approval rating — mas mataas nang pitong porsiyento mula noong Marso. Malaki ang pag-angat ng kaniyang ratings sa National Capital Region, na tumalon ng 20 points patungong 58 percent, at sa Mindanao, na siya ay nagkamit ng 73 percent, mas mataas nang 17 points.

Para sa Bise Presiden­te, ang pagtaas ng ap­proval ratings niya ay pagkilala ng taongbayan sa mga ginagawa ng kani­yang opisina para sa mahihi­rap, sa pamama­gitan ng Angat Buhay anti-poverty program.

Bagamat limitado ang budget, naabot na ng Office of the Vice Presi­dent ang 176 mahihirap na komunidad sa bansa, katuwang ang mga partner nito mula sa pribadong sektor.

Sa loob ng dalawang taon ni Robredo bilang Pangalawang Pangulo, nakapagbigay na ang OVP ng mahigit P252-milyong halaga ng mga proyekto at programa, na ang nakikinabang ay mahigit 155,000 pamil­yang Filipino.

Kabilang sa mga inisi­yatibang ito ang Metro Laylayan program, na nagdadala ng tulong at serbisyo ang OVP at part­ners nito sa mga nanga­ngailangan sa Metro Manila.

Aktibo rin ang OVP sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, kabilang ang Marawi City, na nagpa­tayo ng transition shelter units para sa mga residen­teng napilitang lumikas dahil sa bakbakan.

Pormal na binuksan ang Angat Buhay Village sa Barangay Sagonsongan nitong Martes, 17 Hulyo, para sa unang 60 pa­milyang pansamantalang maninirahan dito.

Ang transitory village na ito ay naitayo sa pakikipagtulungan ng OVP sa Xavier University – Ateneo de Cagayan, Marawi City local govern­ment, at mga partner na nagbigay ng pondo, ser­bisyo, at iba pang panga­ngailangan ng mga napiling pamilya.

Bukod sa shelter units at basic services, binig­yang-prayoridad rin ang social preparations para sa mga pamilya.

HATAW News Team

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Palakpakan sa gera vs droga

KUNG mayroong isang bagay na labis na ikinatutuwa ng mamamayan, at ikinaiinis naman ng oposisyon, ito ay walang iba kundi…

14 hours ago

“The Story of My Life…”

ESSAY type writing and the likes, ang masasabi kong isa sa pinakaayaw ng aking baby, Alberta Kristea (aka Tea), 11-anyos,…

14 hours ago

Problemang paradahan

HALOS walang puknat ang pagsisikap ng mga awtoridad upang laba­nan ang trapiko, mapa­luwag ang mga lan­sangan at maalis ang mga…

14 hours ago

Alamin ang Anakalusugan

MAYROON itong isang grupo na nagbubuklod upang tahakin ang landas ng pagtulong sa kapwa Filipino lalo ang mga kapos-palad nating…

14 hours ago

Intelligence gathering pinaigting ng NBI

LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan…

14 hours ago

Suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely, Sumainyo ang pagpapala ni Lord sampu ng buo ninyong pamilya. Ako po Sis, si Sister Petra E.…

14 hours ago