Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kusina Kings, anim na taong binuo
Kusina Kings, anim na taong binuo

Kusina Kings, anim na taong binuo

ANIM na taon palang binuo ang pelikulang Kusina Kings na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy, handog ng Star Cinema at mapapanood na sa July 25.

Ayon kay Mico del Rosario, advertising and promotions manager ng Star Cinema, ”matagal nang dine-develop ito nina Victor (Villanueva) at Enrico Santos. Ang tagal-tagal na namin itong binubuo, naghahanap ng tamang combination. Inaayos o iniisip ang tono ng script ng comedy niya kasi bago. We do male comedy before, pero on how to bring the male comedy sa ngayon.

“And noong finally na ilalabas na, sobra kaming na-excite kasi nakuha na namin ang dalawang magbibida na everything fall into place nang makuha na namin sila (Empoy at Z) and everybody.

“Kaya sobrang gigil na gigil kami rito, tuwang-tuwa na lalabas na finally at sa outcome, masayang-masaya kami.”

Ang consistent pa sa pelikulang ito, ayon pa kay Mico ay Kusina Kings na talaga ang titulo nito simula pa lang kaya hindi puwedeng ikabit saKita Kita na naging block buster movie ni Empoy.

READ MORE:  Direk Willie Mayo, nagbabalik
READ MORE:  Kris Aquino nagpapakontrobersyal na naman?

Ukol sa pagluluto ang pelikulang ito, pero aminado ang director nitong si Villanueva na hindi siya marunong magluto.

READ MORE:  Sanya, aprub na kaibiganin muna ni Renz

“Honestly, kaya nabuo ang konseptong ito ay coming from my frustrations na hindi ako marunong magluto. At ang isang character dito na ginagampanan ni Zanjoe ay hindi siya marunong magluto. Nai-channel ko iyon dito, ‘yung frustrations ko to cook. I always wanted to cook pero wala akong patience.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved