Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon
Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon

Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon

READ: Palasyo natuwa: Reeleksiyon kay Duterte negatibo sa Fed Consti

BULAG umano ang gobyerno sa hirap na magi­ging dulot ng itinu­tulak nilang federalismo.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin magka­kaiba ang mga sinasabi ng mga tauhan ng gobyerno kaugnay sa itinutulak na federalismo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal niya, uunlad ang bayan sa ilalim ng “federal govern­ment” pero ayon sa pinuno ng National Economic Development Authority na si Sec. Ernesto Pernia, lalong maghihirap ang bansa bunsod nito.

READ MORE:  Internal cleansing tututok sa nasibak at nagbalik (Sa PNP)

Ani Pernia sa isang panayam, madidiskaril ang pag-unlad ng ekonomiya dahil sa federalismo.

Dagdag niya, lima lamang sa mahigit 15 rehiyon na sasailalim sa federalismo, kabilang ang National Capital Region, Cebu, Central Luzon, at Southern Tagalog, ang puwedeng makayanan ang bagong sistemang ito.

READ MORE:  Sementeryo para sa LGBT itinayo ng Cavite

Maliban sa limang rehiyon, lahat ng iba ay maghihirap, ani Pernia.

Ani Villarin, ang magulong polisiya ng gobyerno ay hahantong sa gulo.

Pagkatapos, aniya, bulabugin ang piskal at patakarang pananalapi na naging sanhi ng krisis sa inflation, itinutulak na naman umano ang bansa sa pagbago ng saligang batas at sistema ng gobyerno.

READ MORE:  Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

Binatikos din ni Rep. Gary Alejano ng Magdalo Party-List, ang pilit na pagbabago sa Saligang Batas at sa sistema ng gobyerno sa kabila ng pag-ayaw ng tao.

Aniya wala pa sa panahon ang chacha.

“Ipinipilit ng iilan sa taongbayan ang isang bagay na ayaw nila at hindi man lang lubos na alam,” ani Alejano.

(GERRY BALDO)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved