Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FDCP, binigyang ayuda ang 6 Pinoy films sa New York Asian Film Festival
FDCP, binigyang ayuda ang 6 Pinoy films sa New York Asian Film Festival

FDCP, binigyang ayuda ang 6 Pinoy films sa New York Asian Film Festival

BILANG bahagi ng mas pagpapaigting pa na maikalat at magkaroon ng bagong market ang Pinoy films, ang Inter­national Film Festival Assistance Program (IFFAP) ng Film Deve­lop­ment Council of The Philip­pines (FDCP) sa pangunguna ng Chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay patuloy sa pagtu­long sa mga artista at mang­gagawa sa likod ng camera.

Nabibigyan ng tulong ang mga kina­tawan ng iba’t ibang pelikulang kalahok para makara­ting nang personal sa mga international film festival.

READ MORE:  Deniece at Cedric, lalong nadiin sa Vhong Navarro case

Sa taong ito, anim na pelikula ang binigyan ng ayuda ng FDCP para sa New York Asian Film Festival (NYAFF). Kabilang dito ang Buy Bust at On the Job ni Direk Erik Matti, Neomanila directed by Mikhail Red, Respeto ni Direk Treb Monteras, Sid & Aya (Not a Love Story) directed by Irene Villamor, at We Will Not Die Tonight ni Direk Richard Somes.

READ MORE:  Liza at Enrique nakadalawang blockbuster movies na (Everyday I Love You Patuloy Na Tumatabo Sa 100 Sinehan Sa Buong Bansa)

“With these incredible genre films that we have from our country, the Philippines could really be a hub of genre film­making. We are very proud that through NYAFF, they have found a platform so they may be accessed by North American audience, including our Filipino diaspora.

“FDCP has assisted our delegates through our Inter­national Film Festival Assistance Program (IFFAP) and we look forward to them connecting with inter­national counterparts for future projects and colla­borations. We wish them the best of luck,” saad ni Ms. Liza.

READ MORE:  Marian, posibleng makatikim ng pananaray ni Gloria Diaz

Ang ilan sa nakiba­hagi sa ginanap na send-off press-con ay sina Anne Curtis, Erich Gon­zales, Abra, Direk Erik, Direk Treb, Direk Richard, Direk Irene, Brandon Vera, Alex Medina, Thou Reyes, Nico Dans, Max Eigen­mann, Paolo Paraiso, Chai Fonacier, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved