Friday , March 29 2024

Unli Life ni Vhong, official entry ng Regal sa PPP

NAGBABALIK-pelikula si Vhong Navarro kasama ang kanyang sariling brand ng comedy sa pamamagitan ng Unli Life, ang pinakabagong handog ng Regal Entertainment Inc..

Ang Unli Life rin ang official entry ng Regal sa Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival.

Noong isang taon, nagbigay-saya si Vhong sa kanyang pelikulang Mang Kepweng Returns at ang blockbuster hit movie nila ni Lovi Poe na mula rin sa Regal Entertainment, ang Woke Up Like This.

Sa Unli Life, tiyak na muling pasisiyahon ng talented comedian ang movie goers sa kanyang impeccable comic timing at witty dialogues.

Hindi na rin naman kakwestiyon-kwestiyon ang galling ni Vhong sa komedya dahil ginagawa niya ito sa loob ng 26 taon. Nakagawa na siya ng sariling marka sa comedy genre at ang kanyang tema ng pagpapatawa ay inihahalintulad na kay Hollywood star Jim Carrey.

Ginagampanan ni Vhong sa Unli Life, ang manliligaw/BF ni Winwyn Marquez na nabigyang pagkakataong ayusin ang nangyaring break-up nila sa pamamagitan ng pagbalik sa nakaraan sa tulong ng magic whiskey, o ang “wishkey.”

Sa pag-inom ni Vhong ng wishkey, dinala siya sa iba’t ibang panahon tulad ng Dinosaur Era, Magellan, at ’70s era, para ayusin ang pagkakamali at maiwasan ang paghihiwalay nila ng kanyang GF.

Ipinakikita sa pelikula kung paanong handang magsakripisyo ang isang tao para lamang maibalik ang nawalang pagmamahalan.

Ang Unli Life naman ang pagbabalik-pelikula ni Winwyn, matapos siyang tanghaling Reina Hispanoamericana 2017. Ito rin ang first major role bilang leading lady ni Win sa isang pelikula.

Ang pelikula ay idinirehe ni Miko Livelo, second full-length commercial directorial movie niya. Bago ito’y naging writer at director siya ng 2013 indie film na Blue Bustamante at ng ilang mga television series.

Bida rin sa Unli Life sina Joey Marquez, Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Ollero with James Caraan, Anthony Andres, at Jun Urbano. May special participation din dito sina Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Sabayton, Epi Quizon, at Jhong Hilario.

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay magsisimula sa August 15 hanggang 21.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *