Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / SONA ni Digong iisnabin ni Noynoy
SONA ni Digong iisnabin ni Noynoy

SONA ni Digong iisnabin ni Noynoy

IISNABIN, umano, ni dating Pang. Benigno Aqui­no III ang pa­ngatlong State of the Nation Address ni Pang. Duterte sa 23 Hulyo.

Ayon sa Inter-Parlia­mentary and Special Affairs Bureau (IPRSAB)  ng Kamara, tinangihan ni Aquino ang imbitasyon para sa kanya.

Ayon sa isang opisyal ng IPRSAB, tradisyon ang imbitasyon sa mga dating pangulo at iba pang dating opisyal sa taunang SoNA.

Ibinunyag ng IPRSAB na dadalo si Vice Presi­dent Leni Robredo sa oka­syon. “VP Leni is attending SONA; (former) President Aquino already sent regrets,” ang sabi ng IPRSAB.

Ayon sa kanila ang dating mga pangulong Fidel Ramos at Joseph Ejer­cito-Estrada ay dadalo pati na sila da­ting Senate President Juan Ponce Enrile, Aqui­lino Pimentel III, at Manny Villar.

Si dating Speaker Jose “Joe” de Venecia, Jr., ay nagpasabi rin na siya ay dadalo.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top