Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Zamboanga Sibugay: Negosyante dinukot ng pulis at sundalo
Sa Zamboanga Sibugay: Negosyante dinukot ng pulis at sundalo

Sa Zamboanga Sibugay: Negosyante dinukot ng pulis at sundalo

KABASALAN, Zam­boanga Sibugay – Dinu­kot ng armadong grupo na naka-uniporme ng pu­lis at sundalo ang isang negosyante sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Kasama ang dala­wang anak at isang tauhan, nanonood ng TV ang fishpond operator na si Alejandro Bation, 58, sa kaniyang bahay sa Brgy. Nazareth, nang pumasok doon ang anim kidnapper, ayon sa pulisya.

Tinutukan umano ng baril ng mga kidnapper si Bation at saka siya kina­ladkad patungo sa kala­pit na mini-wharf, at sumakay sila sa tatlong motorized pump boat.

Tumakas ang mga kidnapper patungo sa direksiyon ng mga bayan ng Naga at Payao.

Kasalukuyang tinu­tu­gis ng pulisya ang mga suspek.

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved