Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Holdapan sa Parañaque City talamak
Holdapan sa Parañaque City talamak

Holdapan sa Parañaque City talamak

READ: Apela ni Sen. Tito Sotto para sa committee hearing ni Sen. De Lima tablado kay PNP chief

HABANG nagsisikap ang ilang mga kababayan na naghanapbuhay nang parehas at maayos sa pagtatayo ng maliliit na negosyo, ilang ‘demonyo’ naman ang mabilis na nakapagpaplano para ‘nakawin’ ang pinagpaguran ng masisikap na tao sa pamamagitan ng panghoholdap.

At hindi lang maliliit na negosyante ang binibiktima, kundi maging ang mga customer na kumain lang saglit ‘e ‘nahubaran’ pa ng mga importanteng alahas, gadget at maging cash.

Ganito ang karanasan ng mga food establishment sa Barangay Don Galo, Parañaque City.

READ MORE:  Oplan-Bincudero sa DQ case ni Poe ibinunyag

Kamakailan lang, parang ‘umani’ ng ‘gintong palay’ ang mga notoryus na riding-in-tandem hold-uppers na sumalakay sa mga food establishment sa area na ‘yan.

At dahil sa kasabihang, habang may buhay ay may pag-asa, minabuti na lang ng mga biktima na ibigay ang kanilang salapi, gadgets at iba pang valuables sa mga holdaper kaysa naman buhay nila ang nakawin.

Siyempre, manlulumo at maiiyak lang sila ka­pag wala na ang mga holdaper at mapag­tatanto nila kung ano, magkano at ang halaga sa buhay ng mga ninakaw sa kanila.

READ MORE:  BIR Comm. Kim Henares, unahin habulin ang Solaire Casino junket operators (Paalala kinabuwisitan ng fans ni Pacman)

Masakit talaga sa loob ‘yan, na ang mga bagay na pinag­sikapan at pinagpagurang makuha ay biglang mawawala dahil sa pagnanakaw na tila simbilis ng kidlat.

Pero higit na masakit, kapag nabatid ng mga biktima ng holdap na ilang metro lang pala ang layo sa pinangyarihan ng insidente ang estasyon ng pulisya o police community precinct (PCP).

Hindi ba Parañaque police chief, S/Supt. Leon Victor Rosete?

Ilang metro lang po ba ang layo ng PCP diyan sa Barangay Don Galo sa food establishments na mukhag alaga nang holdapin ng mga holdaper?!

READ MORE:  Aircon installer ng SM appliances grabe sa kapalpakan!!!

Kernel Rosete Sir, hihintayin pa ba ninyong si NCRPO chief, Gen. Guillermo Eleazar ang umaksiyon laban diyan sa mga holdapan na ‘yan?!

Aba, baka madamay pa maging si Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apolinario, Jr.?!

Kailan ka kaya aaksiyon, Kernel Rosete?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved